Friday , May 17 2024

Bela, nagbigay-tulong sa Caritas Mla, Pasay, at mga frontliner; SPEEd, nasa puso ang pagtulong

HALAGANG P1-M mga de lata, bigas at iba pang pangangailangan ang ibinigay ni Bela Padilla sa Caritas Manila, para ayudahan na ang pinakamalaking charitable institution ng simbahang Katolika sa kanilang ginagawang relief operations para sa mga mahihirap na nagugutom na dahil sa community quarantine dahil diyan sa Covid 19.

Nagbigay din si Bela sa city government ng Pasay, bukod pa roon sa personal niyang naihatid sa mga frontliner. Kung wala ang mga artistang kagaya ni Bela, na may mga fan at supporters na tutulong din, magagawa ba iyan? Maraming ginagawa ang mga taga-showbiz. Hindi sila iyong daldal nang daldal sa mga interview sa radyo pero maski singko walang binubunot sa bulsa. Mas may puso ang mga artista.

Tingnan ninyo iyong mga miyembro ng SPEEd, iyong mga entertainment editor na lehitimo. Wala kaming alam na mayroon sa kanilang milyonaryo. Mayroon milyonaryo ang magulang pero siya hindi. Pero dahil umiiral ang puso, nagluluto sila ng pagkain araw-araw, sariling gastos nila, at inihahatid pa sa mga ospital, sa mga checkpoint, at sa mga naghihikahos sa buhay. Gusto nilang makatulong, kahit na ang dapat nilang intindihin ay ang sarili nila, dahil karamihan sa mga diyaryo ngayon, on line na lang dahil wala namang bibili ng diyaryo sa kalye, walang tao.

Pero naroroon pa rin sa kanilang mga puso ang tumulong. Ang tingin nila sa kapwa nila tao ay hindi kapamilya lamang, kundi kapatid dun, at higit sa lahat kapuso.

Iyan ang mga tao, at makikita mo kung anong klase ang pagkatao nila. Kung sabihin nga walang kamote na walang ulalo, pero kalimutan na natin iyon dahil sa kabuuan, naroroon ang hangaring tumulong.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *