Friday , May 17 2024

Arnell, tutulong sa mga nawalan ng trabaho

NOONG pumirma si Arnell Ignacio ng management contract sa Viva Artists Agency, napag-usapan din ang kanyang role lalo na sa Department of Labor and Employment. Hindi pa naman kasi tuluyang binibitiwan ni Arnell ang kanyang trabaho sa gobyerno. Nasabi niya na maraming programa ang DOLE na pinaniniwalaan niyang makatutulong ng malaki sa industriya ng entertainment sa ating bansa.

Isa nga sa napag-usapan ay ang programang “emergency employment assistance” ng DOLE na tumutulong sa mga manggagawang biglang nawalan ng trabaho. Iyang sitwasyong iyan ay nababagay sa mga tao sa showbusiness na biglang nawalan ng trabaho ngayon dahil diyan sa emergency situation dahil sa Covid-19. Biglang sara ang mga sinehan. Tigil ang produksiyon sa telebisyon at pelikula. Paano ang mga manggagawa? Iyong mga artista siguro tinamaan din pero kaya nila iyan. Mayayaman na ang mga iyan, pero paano iyong maliliit na manggagawa?

Riyan nga siguro makatutulong si Arnel sa mga bagay na ganyan. Hindi naman kasi alam ng iba, maski na iyong dapat sana ay nagmamalasakit sa mga tauhan ng industriya ang mga programang ganyan ng gobyerno. Wala silang alam kundi mag-festival ng mga hindi naman kumikitang pelikula.

Ngayon dapat matulungan ang mga maliliit na manggagawa sa industriya. Walang kikitain ang mga iyan na mabuti kung isang buwan nga lang tumagal ang emergency situation na iyan. Maaaring i-extend pa iyan ng presidente kung sa tingin niya ay may problema pa rin matapos ang isang buwan.

Ang priority ng gobyerno ay mapigil iyang Covid-19, pero kasabay niyan tinatamaan naman ang ekonomiya at ang mga maliliit na manggagawa. Kung magkasakit iyang mga iyan, ewan kung may pambili man lang sila ng gamot. Binabasa namin iyong kahon eh, hindi nakasulat doon sa kahon ng Krystal Herbal Oil na magagamot din niya ang Covid-19 virus. Kung puwede nga lang eh ‘di walang problema.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *