Wednesday , August 17 2022

Hindi kawalan kung mawawala ang POGOs — Win

TINITIYAK ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi kawalan sa bansa kung mawawala o tulu-yang ipasasara ang Phi-lippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa pagdinig ng senado ukol  sa alegasyon ng pag-labag sa anti-money laun-dering matapos mabuking na nagpapasok ng milyon-milyon dolyar sa palipa­ran ang mga Chinese national na dumarating sa bansa na kalaunan ay nagiging empleyado ng Philippine Off-shore Gaming Operators (POGO).

Paliwanag ni Gatcha­lian, noong taon 2016 ay walang POGO sa bansa at patuloy ang pag-angat ng Gross Domestic Product kahit dumating ang POGO noong 2017.

Aminado si Gacha­lian, ang tanging epekto nito ay mababakante ang mga condominium dahil mawa-wala ang mga nakatirang Chinese national na empleyado ng POGOs.

Iginiit ni Gatchalian, tanging PAGCOR lamang ang kumikita rito ng P6 bilyon pero wala naman pakinabang ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Kung tutuusin aniya mas abonado pa tayo dahil sa mga gastos sa pagpapatupad ng mga criminal law na dulot ng prostitution, kidnapping, human trafficking at money laundering na inanak ng POGO at mga Chinese national.

Nang tanungin si Gatchalian ukol sa pagpapasara ng POGO, para sa kanya mas mabuting ipatigil muna ang operasyon hangga’t walang safeguards na magagawa ang gobyerno.

(CYNTHIA MARTIN)

 

 

About Cynthia Martin

Check Also

Angelica Panganiban Camille Prats

Angelica inamin nagkaroon ng trauma ‘pag nadadagdagan ang timbang

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Angelica Panganiban sa Youtube vlog ng kaibigan na si Camille Prats, ay …

Vico Sotto

MAYOR VICO PANG ‘SENIOR’ NA ANG TUHOD
Binawalan ng sobrang paglalakad

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Sabado, August 13, ay ibinahagi …

Joel Villanueva Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan

Sa ika-444 anibersaryo ng pagkatatag ng Bulacan
VILLANUEVA, FERNANDO, CASTRO NANGUNA SA SELEBRASYON AT PAGBIBIGAY-PUGAY 

PINANGUNAHAN ng Bulakenyong Senador at Senate Majority Leader Emmanuel “Joel” Villanueva, kasama sina Gobernador Daniel …

shabu

P.340-M droga kompiskado sa 5 miyembro ng criminal group

ARESTADO ang limang hinihinalang miyembro ng Randy Domingo Crime Group sa ikinasang buy bust operation …

earthquake lindol

5.5 magnitude na lindol yumanig sa Davao del Sur

NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur nitong Lunes ng hapon, …

Leave a Reply