Wednesday , May 29 2024
abs cbn

Pagtalakay sa ABS-CBN franchise, maaabutan na ng Cogress break

MAGSA-SUMMER break ang Congress simula sa March 15. Ibig sabihin, hanggang March 14 na lang maaaring ayusin ang extention ng franchise ng ABS-CBN, kung iyon nga ay matutuloy pa. Bagama’t marami naman ang malakas ang fighting spirit at naniniwalang bago dumating ang panahong iyon ay mailulusot ang batas para mai-extend ang franchise, may nagsasabi namang gahol na ang panahon para iyon ay matapos nila at mabigyan ng pagkakataon ang senado na mapag-usapan iyon, although sinasabi nga nila wala naman silang nakikitang resistance ng senado sa ABS-CBN.

Kung makalulusot nga iyan sa congress, ipadadala iyan sa Malacanang para pirmahan ng presidente at maging isang batas. Maaaring i-veto ng presidente ang panukala, ibig sabihin hindi niya pipirmahan at ibabalik sa kongreso. Iyon ang malabo na. Kasi sa huling araw ng Marso, expired na ang broadcast franchise ng ABS-CBN.

Kung ang ibinalik sa kanilang panukalang batas ay muling pagtibayin ng Kongreso, ibabalik ulit iyon sa Malacanang para pirmahan ng presidente. Kung hindi iyan pipirmahan ng presidente, magiging batas iyan matapos ang 30 araw. Kaya nga ang sinasabing pag-asa na lang ay kung makakukuha sila ng provisional permit mula sa NTC para makapagpatuloy ng broadcast habang nakabitin pa ang kanilang franchise, o kaya magpatuloy na lang muna sila sa cable at on line.

Hindi nga umabot sa isang milyong pirma ang kanilang petisyon para sa franchise renewal. Wala rin namang l stars na sinasabing malalapit sa pangulo ang harapang sumusuporta sa franchise renewal. Lahat sila ay nagsasabing “depende iyan kay Presidente.”

Maski na iyong mga manghuhula nga, hindi mahulaan kung ano ang kasunod na mangyayari sa ABS-CBN.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

About Ed de Leon

Check Also

Diwata

Diwata ayaw magseryoso sa lalaki — baka mawalan ako ng puhunan, maubos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ni Diwata mula sa pagiging walang-wala ngayo’y …

Carlo J Caparas

Direk Carlo pumanaw sa edad 80

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang batikang Comics King, novelist, writer, at director na si Carlo …

tiktok

Mga artista naisasantabi dahil sa mga Tiktokerist 

I-FLEXni Jun Nardo PISTA ng Holy Trinity kahapon sa lugar namin sa Balic-Balic, Sampaloc. Kaya …

blind item woman man

Television/event host gigil sa baho ng male starlet

HATAWANni Ed de Leon MAY isang television at event host na pilit kaming pinaaamin kung …

Leo Dominguez Ogie Alcasid

Manager ni Ogie na si Leo Dominguez namaalam na rin

NAUNA lang ng isang araw kay direk Carlo Caparas, namatay naman ang talent manager na si Leo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *