Thursday , August 18 2022

Pinoys na uuwi sa bansa sasailalim sa 14-day quarantine

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go na makauuwi sa bansa ang mga naninirahan o nagtatrabahong Filipino sa China sa gitna ng kinatatakutang novel coronavirus.

Gayonman, binigyang diin ni Go na kailangang sumailalim sa 14-day quarantine ang mga uuwing Pinoy.

Sinabi ni Go, ito ay para sa kanilang kalig­tasan at ng mga taong kanilang makasasa­lamuha.

Nilinaw din ni Go, ipagbabawal ng pamaha­laan ang pagbiyahe ng mga Filipino patungong Hong Kong at iba pang mga lugar sa China.

Binigyang diin ni Go, kung estrikto dati ang pamahalaan, mas hihigpitan nito ngayon ang pagtanggap ng mga biyaherong papasok sa Filipinas.  

Kaugnay nito, tiniyak ni Go, mayroon nang magagamit ang Department of Health (DOH) para maisagawa ang mga confirmatory test sa mga suspected case ng novel coronavirus sa bansa.

Sinabi ni Go, base sa kanilang pag-uusap ni Health Secretary Francis­co Duque, may ipinahi­ram na gamit ang Japan sa Filipinas para ma-check ang mga hinihi­nalang kaso ng corona­virus.

Aniya, kung dati ay inaabot nang isang linggo para malaman ang resulta ng laboratory test, ngayon ay ilang araw na lamang kaya mas mabilis ang pagtugon ng health authorities.

Mariing habilin ni Go sa publiko, sundin ang payo ng health officials para makaiwas na mahawa ng  virus gaya na pagpapanatiling malinis ang paligid, malinis ang katawan at agad na magtungo sa mga ospital kung  maka­ramdam ng ilang sintomas.

Kinalma rin ni Go ang publiko, at sa halip ay makiisa sa advisory ng health officials upang makatulong sa paglaban at pag-iwas ng pagkalat ng nCoV sa bansa.

(CYNTHIA MARTIN)

 

 

About Cynthia Martin

Check Also

Jaya House Burn

Jaya huming ng tulong matapos masunog ang bahay sa US

MATABILni John Fontanilla MALUNGKOT si Jaya sa pagkasunog ng kanilang tahanan sa Amerika. Anito, “The last time we …

Angelica Panganiban Camille Prats

Angelica inamin nagkaroon ng trauma ‘pag nadadagdagan ang timbang

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Angelica Panganiban sa Youtube vlog ng kaibigan na si Camille Prats, ay …

Vico Sotto

MAYOR VICO PANG ‘SENIOR’ NA ANG TUHOD
Binawalan ng sobrang paglalakad

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Sabado, August 13, ay ibinahagi …

Jessy Mendiola Luis Manzano baby

Jessy ibinahagi baby bump at sonogram ni Little Peanut

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASAYA at proud na ibinahagi ni Jessy Mendiola ang kanyang baby bump …

Maine Mendoza Art Atayde

Maine nakipagkulitan sa Papa Art ni Arjo 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinahagi ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez ang mga  photo ng bonding …

Leave a Reply