Friday , June 26 2026

Ate Vi sa mga Batagueño — babangon tayo! (Pagiging madasalin ng mga Batagueño, makatutulong)

BABANGON tayo!”, ang sinasabi ni Congress­woman Vilma Santos sa lahat ng evancuation centers na pinupuntahan niya, hindi lang sa kanyang distrito sa Lipa maging sa iba’t ibang lugar sa Batangas. Aminado rin naman siya na sa buong siyam na taong siya ang governor ng Batangas, isa sa lagi niyang ipinagdarasal ay huwag pumutok ang Taal.

Alam ko kasi malaking problema iyan para sa local government,” aniya.

Iyon pala ang dahilan kung bakit napag-usapan nila ng noon sa Arsobispo ng Lipa, na si Archbishop Romeo Arguelles na magkaroon ng fluvial procession sa Taal lake tuwing Seotember 8 bilang pagdiriwang sa birthday ng Virgin Mary. Noong simulan din kasi nila iyon, may problema na rin sa lake dahil nagkakaroon na ng fish kill, at isa sa mga proyekto niya ay ipaalis ang mga ilegal na baklad doon. Nagawa naman nila. Nagprusisyon sila sa lake dala ang mga imahen ng Mahal na Birhen.

Iyon ay pagbuhay sa isang matandang tradisyon sa Batangas. Noong araw kasi basta pumuputok ang bulkan dinadala pa sa volcano island mismo ang imahe ng birhen, iyong Nuestra Senora de Caysasay na patron ng Taal, at inihaharap din sa direksiyon ng bulkan ang Krus ng Alitagtag. Nang maging congresswoman na nga si Ate Vi, at halos kasunod ay nagretiro naman si Archbishop Arguelles, natigil na naman ang fluvial procession sa Taal lake.

Gayunman, naniniwala si Ate Vi na ang pagiging madasalin ng mga Batangueno ay malaki ang magagawa para ang lalawigan ay makabangon agad sa ano mang sitwasyon.

Nasa amin ang lahat halos ng mga religious houses, mga kumbento ng mga pari at madre, at lahat sila nagdarasal para sa amin. Pati sa Carmel nga sa Lipa, hiniling kong ipanalangin kaming lahat ng mga mongha, na alam ko namang ginagawa na nila,” sabi ni Ate Vi.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …