Thursday , June 4 2026

Go humiling ng incentives para sa barangay kay Digong

KINOMPIRMA ni Sena­tor Christopher “Bong” Go na hiniling niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng incentives ngayong Pasko ang barangay officials.

Ayon kay Go, batid niyang nasa committee level pa lang ang kan­yang isinusulong na panukalang batas na pag­kakaroon ng buwa­nang suweldo ng mga barangay officials gaya ng regular employees sa mga tanggapan ng go­byerno.

Sinabi ni Go, dahil hindi na makaaabot ang panukala niyang suweldo sa mga opisyal ng  bara­ngay ay makabu­buting bigyan sila ng incentives sa Disyembre.

Paliwanag ni Go, ang barangay officials ang unang nilalapitan ng mga mamamayan kaya karapat-dapat sila sa pagkilala at tulong.

Bukod sa buwa­nang suweldo, kasama sa panu­kala ni Go na mai­bigay ang incentives sa barangay officials nang tulad ng government employees.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …