Thursday , June 4 2026

Cong. Yul ipaayos, sinehan sa Escolta at Monte de Piedad

NAKIPAG-USAP na ako sa mga lider ng pribadong sektor diyan sa Escolta. Nasabi ko na sa kanila iyong idea ko na iyong dalawang saradong sinehan sa Escolta ay ayusin at buksang muli para riyan natin mailabas iyong ating mga artistic film. Iyong mga art films kasi, halos walang chances na makakuha iyan ng sinehan sa malls dahil naghahabol sila ng mga pelikulang commercially viable. Riyan sa Escolta, dahil ang plano naman ni Yorme ay gawin iyang lugar ulit para sa mga turista, maganda na riyan natin ilabas ang ating magagandang pelikula. Mukhang ok naman ang idea sa mga kausap ko, kaya natutuwa ako.

“Isa pa iyong dating building ng Monte de Piedad sa Santa Cruz, may plano na iyan ay gawing isang museum. Makatatawag din ng pansin iyan sa mga turista kung matutuloy. Ako bilang congressman nila nakahanda akong tumulong sa anumang magagawa ko para matuloy ang lahat ng mga proyektong iyan, pero ang involved diyan ay pribadong sektor, dahil sila ang may-ari ng properties diyan eh, “ sabi ni Congressman Yul Servo.

May ginagawa ring pelikula ngayon si Yul para sa cable channel ng HBO.

“Dumating na rin kasi sa akin iyong hinahanap ko ang pag-arte. Artista kasi ako eh. Ang hirap iwanan at talagang hahanapin mo. Ako ngayon, ni hindi ko na nga tinatanong ang bayad eh. Basta magandang pelikula na mailalabas ko ang talent ko, at siyempre makatutulong naman sa advancement ng industriya dahil maganda nga, gagawin ko kahit walang bayad.

“Mahalaga rin naman iyong pera, sino ba ang hindi nangangailangan niyon. Ako kailangan ko rin dahil sa rami ng nanghihingi ng tulong na mga kababayan natin. Pero hindi na namin pag-uusapan iyon. Basta magandang project at gusto ko, magagawa ko iyan nang walang problema,” sabi pa ni Yul.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …