Thursday , June 4 2026

Mag-obserba muna… Bagitong senators ‘wag patayo-tayo — Senator Ping

IBINAHAGI ni Senador Panfilo Lacson sa mga mamamahayag na noong bagito siyang senador noong 2001, pinayohan siya noon ni Senador Vicente Tito Sotto III na mag-obserba muna.

Payo umano sa kani­lang mga bagitong senador ni Senador Sotto ‘wag silang tayo nang tayo sa debate sa plenaryo kundi tatamaan sila sa mga beteranong senador.

Sinabi ni Lacson, pinayohan sila ni Sotto na dapat mag-obserba muna ng tatlo hanggang apat na buwan sa sesyon sa senado bago tumayo o magsagawa ng privilege speech.

Ito ang naging reak­siyon ni Lacson sa naganap sa senado na tila pinaglaruan at nilektyu­ran ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang bagitong senador na si Senador Francis Tolen­tino mata­pos magsagawa ng kan­yang kauna-unahang privilege speech sa plenaryo ukol sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …