Tuesday , November 29 2022

Herbert, bantulot pa sa pagtakbo sa 2019

INAMIN sa amin ni Mayor Herbert Bautista na wala pa siyang plano para sa 2019. Ibig sabihin, hindi pa niya alam kung ano ang kanyang papasukan pagkatapos ng kanyang ikatlong term bilang mayor ng Quezon City. Medyo bantulot kasi si Mayor Bistek na tumakbo sa isang local position dahil kung natatandaan ninyo, dalawang eleksiyon na siyang unopposed. Ibig sabihin lahat ng partido, kakampi at kalaban ay sumuporta sa kanya. Ayaw naman niyang may matapakan siyang taon na sumuporta sa kanya sa nakaraang mga eleksiyon.

“Basta kung ano ang posisyon na wala tayong tatamaan, doon tayo. Ang habol lang naman natin ay maituloy ang serbisyo eh, hindi naman iyong posisyon talaga,” sabi ng mayor.

Baka naman maaari na siyang magbalik bilang artista, na mabilis naman niyang sinagot ng “puwede”.

Ang linya kasi ni Mayor Bistek kahit na noong araw pa ay comedy. Iyang mga pelikulang comedy ay isa sa nagbibigay ng malalaking hits sa industriya ng pelikulang Filipino. Pero lately hindi na nga masyado, kasi ang isang dahilan, nawala na ang comedy king na si Mang Dolphy. Iyon namang ibang comedians, nagkasunod-sunod ang mga pelikulang parang iisa lamang ang tema kaya medyo nagsawa ang publiko. Kailangan talaga ang comedy na bago naman ang idea. Iyong bago naman ang gimmick, at marami ang naniniwala na magagawa iyan ni Mayor Bistek, pero hindi rin niya magagawa iyan habang siya ay nasa government service. Alam naman ninyo iyang mga opisyal ng gobyerno, basta talagang nagtatrabaho hindi na makahaharap sa ibang trabaho kahit na sabihin mong mas malaki pa ang kikitain nila.

Tingnan ninyo si Congresswoman Vilma Santos, ang totoo gusto rin niyang gumawa ng pelikula kaya lang sa rami ng trabaho ay wala siyang panahon. Si Mayor Richard Gomez, hinahanap din ang buhay artista pero hindi puwede habang mayor siya. Ganoon din ang nangyari kay Mayor Bistek. Nakasingit pa siyang gumawa ng pelikula pero hindi rin niya naharap nang husto dahil sa trabaho niya sa city hall. Kung wala nga siya sa politika, makababalik na siya sa showbusiness. Mas malaki pa ang kikitain niya. Aba iyong kinikita ni Mayor Bistek sa isang show lamang sa mga “baratillo” noong araw, mas malaki kaysa isang buwang suweldo niya bilang mayor. Eh nakakatatlong show siya noon sa isang araw.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Check Also

Janice de Bellen Maricel Soriano

Sakit ng sampal ni Maricel walang makatatalo  

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Janice de Bellen sa Wala Pa Kaming Title vlog, ikinuwento niya …

Ara Mina

Ara kakayod muna habang hindi pa buntis

MA at PAni Rommel Placente HINDI pa rin nabubuntis si Ara Mina kahit isa’t kalahating taon na …

Xander Ford Kathryn Bernardo

Xander marunong mag-sorry at umamin ng pagkakamali

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni Ogie Diaz kay Xander Ford, sinabi ng binata na gusto …

Aiko Melendez Marthena Jickain Andrei Yllana Jay Khonghun

Mga anak ni Aiko gumigimik kasama si Cong Jay

RATED Rni Rommel Gonzales NAALIW kami sa tsika ni Aiko Melendez tungkol sa boyfriend niyang si Zambales …

Kiko Estrada AJ Raval Angeli Khang US X HER

Kiko 2nd choice sa Us X Her

COOL JOE!ni Joe Barrameda US X HER ang latest na napanood namin sa Vivamax.  Ito ay pinagbibidahan nina Kiko …

Leave a Reply