Sunday , June 16 2024

Ellen, idedemanda, ‘pag ‘di nag-public apology kay Eleila

LUMABAS din naman sa publiko ang isang sulat mula kay Myra Santos, na nagpakilalang ina ng 17-anyos na si Eleila Santos, na tinawag ni Ellen Adarna na isang paparazzi, dahil kinukunan daw sila ng video ni John Lloyd Cruz nang palihim. Gumawa pa ng internet video si Ellen na diretsahan niyang inakusahan si Eleila ng ”invasion of privacy.”

Sinagot naman ni Eleila ang akusasyon ni Ellen, at sinabing talagang kumukuha siya ng video pero hindi si Ellen ang kinukunan niya kundi ang kanilang pagkaing kakainin, dahil isang restaurant iyon. Sinabi rin ng bata na hindi naman niya kilala si Ellen, kaya bakit siya magkakaroon ng interes na i-video iyon. Hindi niya kilala sa mukha si Ellen.

To be honest about it Tita Maricris, ako man siguro eh, makasalubong ko sa isang lugar iyang si Ellen Adarna hindi ko rin makikilala. Hindi pa naman kasi ganoon ka-popular ang kanyang hitsura kahit na nag-artista na siya.

Anyway, ang claim ngayon niyong si Mrs. Santos, ang ginawa ni Ellen ay naging dahilan para ang kanyang menor de edad na anak ay magkaroon ng masamang saloobin. Hinihingi niya na gumawa ng isang public apology si Ellen sa loob ng limang araw, at kung hindi, ipaghaharap nila iyon ng kaso sa korte.

Panindigan lamang ng bata na talagang hindi naman niya kilala si Ellen, at dahil menor de edad nga pala siya, may tulog ang female star na buntis, o nanganak na nga ba?

Iyan ang sinasabi naming danger ng mga artistang tipa nang tipa ng kung ano-ano sa social media. Minsan natatangay sila ng kanilang emosyon, kung ano-ano ang kanilang nasasabi na later on ikapapahamak pa nila.

Ang pagsusulat, lalo na ang pamamahayag ay isang propesyon. Hindi dahil makasusulat ka sige na. Hindi dahil may venue ka, ang social media ay sige na. Kasi may responsibilidad na kasama ang lahat ng iyong isinusulat at ipinahahayag. Iyong mga blogger nakalulusot, hindi naman sigurado na pangalan nga nila iyon. Pero iyong artista, identifiable.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Sanya Lopez

Sanya napraning sa stalker

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni  Sanya Lopez sa interbyu sa kanya sa Chika Minute sa 24 Oras, na …

Charles Raymond Law

New heartthrob ng Viva wish makagawa ng mala-Freddie Highmore role sa The Good Doctor

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kanyang ika-16 birthday ang future heartthrob ng Viva Entertainment na si Charles Raymond …

Wize Estabillo

Bidaman Wize inalok ng P1-M kapalit ng one night stand

MATABILni John Fontanilla DAGSA ang natatanggap na indecent proposal ni Wize Estabillo sa kanyang mga social media …

Joshua Garcia Carlo Aquino Charlie Dizon

Joshua hinanap sa kasal nina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente INISNAB nga ba ni Joshua Garcia ang kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon? Tanong …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kelvin kakaiba ang na-experience nang makatrabaho si Kira

RATED Rni Rommel Gonzales REFRESHING mapanood sa isang pelikula na magkapareha ang isang Kapuso at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *