Thursday , June 13 2024

Sarah, kailangan ng pahinga sa 15 taong pagtatrabaho

MUKHANG nakabawi na si Sarah Geronimo, dahil sa kanyang concert sa Chicago noong nakaraang Biyernes at sa New York noong Linggo, masaya na siya. Nakakanta siya ng maayos. ”Wala ng iyakan,” ang biro pa niya.

Ipinaliwanag niyang nagkapatong-patong lang ang kanyang nararamdaman kaya siya nagkaroon ng ganoong reaksiyon. Inamin naman niya ang lahat ng kanyang pagod at puyat sa katatapos pa lamang concert sa Araneta, tuloy ang biyahe patungong Amerika at kasunod niyon ay concert nga agad sa Las Vegas.

Las Vegas iyan. Kung sabihin ay ang entertainment capital of the world. Kung diyan ka nga naman papalpak, malaking kasiraan iyon. Siguro iyong ganoong takot din ang isa sa mga dahilan kung bakit bumigay si Sarah. Pero pinalakpakan siya ng audience. Binigyan pa siya ng standing ovation pagkatapos.

Pero hindi riyan natatapos iyan. Ngayon ang pinag-uusapan na naman iyong provincial tour niyang This I5 Me. Ganoon din naman ang posibleng repeat niyon sa Araneta. Pinag-uusapan na rin ang schedule ng kanyang shooting ng pelikula nina ni James Reid. Mahirap na nga naman at baka may director ding magbunganga sa social media laban kay Sarah.

Pero ang tanong lang namin, talaga bang hindi na pagpapahingahin si Sarah? Hindi ba siya maaaring bigyan kahit na isang buwang break lang, at nang magawa naman niya kung ano ang gusto niya? After all nagtatrabaho na siya ng 15 taon.

Nariyan iyong paniniwala na ”strike while the iron is hot.” pero tandaan ninyo, ang panday na nagkakamali ng palo sa isang nag-iinit na bakal ay posibleng makasira rin doon. Sana naman isipin nila, hindi kailangang magmadali para kay Sarah. Ang kailangan nilang isipin ay kung paano pa mapatatagal ang career ni Sarah.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

Elisse Joson McCoy de Leon

Elisse ipinagtanggol si McCoy: Don’t put him in a box, he’s a person not a label 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Elisse Joson ang pagma-marites sa kanya na umano’y cheater ang kanyang …

Klinton Start

Supremo ng Dance Floor Klinton Start gradweyt na sa kolehiyo 

MATABILni John Fontanilla NAGTAPOS na sa kolehiyo ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton …

Coco Martin Julia Montes

Tibay at pagiging open nina Coco at Julia pinuri ng netizens 

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang fans nina Coco Martin at Julia Montes dahil mukhang handa na ang mga itong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *