Thursday , February 2 2023
Vilma Santos

Vilma, ‘di nakaiwas sa maraming pagbati sa Kongreso

KAHIT pala sa Kongreso, marami ang bumabati kay Congresswoman Vilma Santos sa kanyang pananalo ng awards sa showbiz. Dalawa nga namang magkasunod iyon. Siya ang napiling best actress sa kauna-unahang The Eddys, tapos binigyan naman siya ng lifetime achievement award ng Manunuri. Ngayon bibigyan naman siya ng award ng PMPC dahil sa naging kontribusyon niya bilang artista sa movie writing profession.

Diyan pabor din naman kami, dahil sa totoo lang talagang nag-boom ang movie writing profession, at mula sa iilan ay dumami ang mga movie fan magazine noong panahon nina Vilma at Nora Aunor. Hindi natin maikakaila na iyong panahon nila ang masasabi ring golden years ng movie writing profession. Dahil dumami ang mga magazines at tabloids, dumami rin ang naging mga movie reporter. Noong malaunan, hindi naka-maintain ang mga magazine na iyon at isa-isang nawala hanggang sa wala nang natira. Iyong mga movie magazine ngayon puro mga bagong sulpot lang iyan.

Pero natawa nga kami dahil sinasabi ni Ate Vi, ang pinag-uusapan sa kongreso na on a joint session pa ay napaka-seryoso, iyong Martial Law sa Mindanao. Pero hindi pa rin napigilan ang mga taong lumalapit sa kanya at nagko-congratulate dahil best actress na naman siya.

Sabi nga niya, mahigit 20 taon na siyang naninirahan sa Batangas, at ang turing ng mga tao sa kanya ay talagang Batanguena na. Nakalimutan nang ang pamilya niya ay galing talaga sa Nueva Ecija. Siyam na taon rin siyang naging mayor ng Lipa. Siyam na taong gobernadora ng Batangas at ngayon isang taong congresswoman, pero ang pagkakakilala sa kanya ng higit na nakararami ay isa pa rin siyang aktres.

Ikinatutuwa naman iyon ni Ate Vi, dahil hindi naman niya maikakaila na ang movies ang talagang first love niya.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …

Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang umamin ‘nabola’ ni Lee, 5 taon ‘di kumayod, walang sustento

HATAWANni Ed de Leon BIGLANG putok ang post ng komedyanteng si Pokwang tungkol sa naging buhay …

Leave a Reply