Monday , May 27 2024

Ospital na tatanggi sa buntis kakasuhan

PLANONG magsagawa ng imbestigasyon si Senadora Rissa Hontiveros kaugnay sa mga insidente nang pagtanggi ng mga ospital sa mga buntis, habang binigyang diin na maaaring makasuhan ng paglabag sa Anti-Hospital Deposit Law ang dalawang ospital na tumangging i-admit ang isang pasyenteng manganganak kamaka-ilan. Matatandaan, nagreklamo ang isang buntis na inabot ng panganganak sa loob ng taxi noong 11 Enero, makaraan tanggihan ng dalawang ospital na unang pinuntahan ng pasyente para manganak.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Hontiveros, chair ng Health Committee, hindi tinanggap ng isang public hospital sa Caloocan City ang buntis dahil pre-mature raw ang labor at walang incubator sa naturang ospital para sa sanggol

Dahil dito, napilitang lumipat ang buntis sa pinakama-lapit na ospital ngunit inabot siya ng pagluluwal ng sanggol sa loob ng sinakyang taxi

Sa tulong ng mga rescuer, dinala ang mag-ina sa isang pribadong ospital sa Fairview, Quezon City. Ngunit pinutol lang ang pusod o umbilical cord ng sanggol saka itinaboy sa East Avenue Medical Center dahil hindi raw kakayanin ng pasyente ang bayarin sa pribadong hospital.

Sa East Avenue Medical Center na tumanggap sa mag-ina, hindi nakita ang unang si-nabing premature labor kundi regular anila ang takdang pagsilang ng sanggol.

Iginiit ni Hontiveros, hindi dapat tanggihan ng mga ospital ang pasyente lalo’t emergency na maaaring ikamatay ng pasyente.

Dahil dito, nais ni Hontiveros na may managot sa pagtanggi ng dalawang ospital sa naturang ginang. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Apostle Arsenio Ferriol

4th Watch nagluksa sa pagpanaw ng founder na si Apostle Arcenio Ferriol

NAGLUKSA ang buong Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) sa pagpanaw ng kanilang founder …

Senador Alan at Pia nagbigay ng tulong sa 2,000 Batangueño

Senador Alan at Pia nagbigay ng tulong sa 2,000 Batangueño

UMABOT sa 2,000 Batangueño ang nakatanggap ng tulong mula sa mga opisina nina Senador Alan …

Lito Lapid agri-tourism

Pagpapalago ng agri-tourism, isusulong ni Sen. Lito Lapid

INAARAL ngayon ni Senador Lito Lapid ang pagpapaunlad ng Agri-tourism sa bansa. Kasunod ito ng …

Bong Revilla Jr Bryan Revilla

Sen. Revilla, Agimat Partylist saludo sa volunteer groups na handang magsakripisyo sa bayan

INIHAYAG ni Agimat Partylist Rep. Brian Revilla at maging ang tanggapan ng kanyang ama na …

Bagong gusali para sa retired MPD cops, pinasinayaan

Bagong gusali para sa retired MPD cops, pinasinayaan

MAYROON nang sariling tanggapan at gusali ang mga retired members ng Manila Police District. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *