Tuesday , December 5 2023

Ganap na pagkababae ni Rustom, kasabay ng anibersaryo nina Carmina at Zoren

NAG-POST si Carmina Villaroel sa kanyang social media account tungkol sa anniversary nilang dalawa ng asawang si Zoren Legaspi. Bagamat ang kanilang relasyon ay nagsimula pa noong 2002 yata sa natatandaan namin, nakapagpakasal sila noong 2012, matapos na maisa-ayos na nila ang lahat, pati na ang annulment ng naunang kasal ni Carmina kay Rustom Padilla.

Sa ngayon, ang anak nilang kambal ay kapwa 14 years old na rin.

Maganda ang naging pagsasama nina Zoren at Carmina kahit na noong panahong hindi pa sila kasal. Hindi nababalitang nag-aaway sila. Bagamat siguro nga natural na lang sa mga tao ang nagkakasamaan ng loob kung minsan, sa kaso nilang dalawa ay walang lumalaking problema. Sabi nga siguro isang malaking factor din doon ang kanilang kambal.

Pero natawa kami, kasi halos kasabay ng pagsasabi ni Carmina ng kanilang anniversary ni Zoren, nag-post din naman ang dati niyang asawang si Padilla na siya ay isang “ganap ng babae” at kinikilalang babae ng humukan sa US. Kakatawa ano.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Bong Revilla Jinggoy Estrada Robin Padilla Lito Lapid

Lito, Bong, Jinggoy, Robin mag-aala Expendables

COOL JOE!ni Joe Barrameda ILAN taon nang hindi pumapalya si Sen. Lito Lapid na tuwing sasapit ang …

Jomari Yllana Mark Anthony Fernandez 

Mark Anthony may tampo kay Jomari

COOL JOE!ni Joe Barrameda ILAN taon din palang hindi nagkakausap sina Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana. Nagtampo …

Rhea Tan bday Beautederm

Birthday ni Rhea Tan sinuportahan ng mga naglalakihang artista

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MATAGUMPAY ang birthday party ni  Beautéderm founder at chairman Rhea Tan na ginanap …

Barbara Milano

Barbara Milano naiyak sa pagbabalik-showbiz

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang maiyak ang nagbabalik-showbiz na dating sexy star na si Barbara Milano nang …

Vice Ganda

Vice Ganda nagpa-powertrip

HATAWANni Ed de Leon MASYADO na bang powerful, o matindi ang power trip ni Vice Ganda at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *