Thursday , December 8 2022

Melai at Jason, hiwalay na nga ba?

MIYERKOLES pa lang ng gabi ay nabigla na kami sa mga social media post ng kaibigang Melai Cantiveros. Nabigla rin kami dahil dating @mrandmrsfrancisco ang Instagram account name niya na agad napalitan ng @msmelaicantiveros noong gabi ng Miyerkoles.

Pina-follow ko ang TV host/comedian/actress kaya updated ako sa kanya.

Noong Miyerkoles nga ng gabi ay may mga kakaibang post si Melai sa kanyang Instagram na may pasaring sa buhay mag-asawa o isang relasyon.

Ilan sa post n’ya ay, “iam tired” at “ginawa ko lahat” at kung ano-ano pa.

May isang concern fan ang nagsabi sa amin na baka raw na-hacked ang social media account ni Melai.

We tried to connect kay Melai pero wala kaming nakuhang sagot. Alam kong may pinagdaraanan ang mag-asawa kaya for the past 12 hours ay nanahimik na lang din ako at ibinigay sa kanila ang respeto at distancia lalo sa mga panahong ganito.

Kahapon ng umaga ay live na live po ang Magandang Buhay, morning show nilang tatlo nina Karla Estrada atJolina Magdangal. Pumunta ako sa set ng early at nakita ko si Melai. Since morning show ito at freshness at goodvibes ang kailangan, naitawid ni Melai ang live airing pero may kunot sa noo ng aktres kahit sabihin na nagpapatawa sa set ng show.

Mararamdaman na nilalabanan ang isang situwasyon para lang maitawid ang mga dapat niyang itawid sa araw na iyon.

Noong senyasan ko siya kung okey lang siya, biglang nanamlay ang mukha ni Melai at malalim ang tingin sa akin kaya alam ko na ang totoo, may pinagdaraanan nga sila ng kanyang asawang si Jason Francisco.

After the live airing ay pumasok na sina Karla, Jolina, at Melai sa kanilang dressing room at dito ko nasaksihan ang paghagulgol ni Melai habang kausap ni Jolina sa comfort bed inside the dressing room.

Hanggang kinausap na rin siya ng ilang matatalik na kaibigan from the production na nagbigay ng moral support sa aming kaibigan.

Mukhang malalim ang pinagdaraanan nina Melai at Jason ngayon. Masyadong personal ang kanilang away at hindi natin puwedeng panghimasukan. Mukhang foul ang ginawa ng lalaki ayon pa sa mga nakarating sa akin na hindi lang nagsasalita si Melai bilang asawa siguro na kaya pa namang pag-usapan ang lahat kaya kinakaya niya.

Pero ang point ko riyan, normally nangyayari talaga ang ganyang bagay sa mag-asawa at nasa kanila pa rin ang pag-aayos na magaganap.

Kailangan lang siguro nilang pag-usapan ang lahat dahil sayang naman kapag napunta sa wala ang isang bonggang pag-iibigan at kasalan na minahal naman talaga nating lahat.

Wala kaming ibang magagawa ngayon kundi ipagdasal ang dalawa na sana ay malampasan ang pagsubok na ito sa kanilang buhay.

Tama na ang pag-iyak Melai. Kaya mo ‘yan! Lumaban sa mga pagsubok na ito. Maging matatag!

REALITY BITES – Dominic Rea

About Dominic Rea

Check Also

Paolo Contis Yen Santos Lolit Solis

Relasyon nina Paolo at Yen ibinuking ni Lolit 

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang ibinisto ni Manay Lolit Solis na ang aktres na si Yen Santos ang lucky …

Blind Item, Mystery Man, male star

Designer nagbabala baho ni male starlet ibubunyag

ni Ed de Leon MATAPOS na mapadalhan  ng “supposed to be pamasahe” niya papunta sa …

Vhong Navarro Arrest NBI

P1-M piyansa pinayagan
VHONG PANSAMANTALANG MAKALALAYA

HATAWANni Ed de Leon MABILIS na kumilos ang legal team ni Vhong Navarro para maihanda ang itinakdang …

Matet de Leon

Matet tinapos relasyon sa ina at pamilya

HATAWANni Ed de Leon NAUUNAWAAN namin at alam naming masamang-masama ang loob ni Matet sa kanyang sinasabing …

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Leave a Reply