Monday , December 5 2022

Pagiging aktres ni Ritz, lutong makaw daw

SA mga nanlalait kay Ritz Azul na kesyo starlet at lutong makaw ang pagiging aktres, excuse me po ha! Kahit noong nasa kabilang network pa lang si Ritz, hindi na rin matatawaran ang kanyang galing sa pag-arte.

Mahusay po siya at malalim ang hugot kapag isinalang na sa harap ng kamera.

Isa po si Ritz Azul sa may magandang kinabukasan sa mundo ng showbiz dahil nakikita namin sa kanya ang pagmamahal sa trabaho at seryoso siya. Alam din naming magaling siyang umarte. Hindi po ‘yan kukunin ng Kapamilya Network kung wala silang nakikitang talento sa aktres. Hindi po ‘yan susugalan lalo na ng Dreamscape Entertainment kung wala itong ibubuga!

Bukod kasi sa magandang mukha at kaseksihan ni Ritz, naku, marami siyang patataubin, pangako ‘yan lalo na ngayong isasalang na siya sa teleseryeng The Promise Of Forever  kasama si Paulo Avelino na isa na rin ngayon sa mga tinitingalang aktor sa bakuran ng ABS-CBN.

REALITY BITES – Dominic Rea

About Dominic Rea

Check Also

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na …

Alice Dixson

Alice na-bash nang kinulayan ng honey blonde ang buhok  

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa pagpapakulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair, bina-bash siya. …

Paolo Contis Yen Santos

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang …

Jessy Mendiola

Jessy nalulungkot ‘pag nakikitang lumalaki ang katawan

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni Jessy Mendiola na noong mga unang buwan ng kanyang pagdadalang-tao …

Blind Item, Male Celebrity

Male personality iwas sa cellphone, feeling pinagkakakitaan

I-FLEXni Jun Nardo TODO-IWAS ang isang kilalang male personality kapag nakatutok sa kanya ang phone na may …

Leave a Reply