Tuesday , January 31 2023

1 patay, 1 sugatan sa Lanao Sur ambush

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang sibilyan habang isa ang sugatan makaraan tambangan habang sakay ng van sa  Brgy. Maguing proper, Maguing, Lanao del Sur kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Hasanal Macabando Dimal habang sugatan si Amin Macabando Dimal, residente sa nasabing lalawigan.

Inihayag ni Lanao del Sur provincial police director, Senior Supt Rustom Duran, binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng Maguing nang bigla silang pinaulanan ng mga bala ng hindi nakilalang mga suspek.

Agad namatay si Hasanal na tinamaan ng maraming bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa nasabing krimen.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang tinutugis ang tumakas na mga suspek.

About Hataw News Team

Check Also

Scam fraud Money

Sa takot sa asawa na malamang na-scam
GINANG NAGTANGKANG MAGPATIWAKAL

NAGTANGKANG magpatiwakal ang 32-anyos na ginang sa pamamagitan nang pagtalon sa isang footbridge dahil umano …

shabu drug arrest

Nag-aabutan ng shabu sa Vale
2 TULAK, HULI SA AKTO

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan …

marijuana

Drug group member, kasabwat nabingwit sa drug bust

KULONG  na  ang dalawang tulak ng droga, kabilang ang isang miyembro ng “Zaragosa drug group” …

prison rape

Most wanted sa Vale
KELOT, HOYO SA KASONG STATUTORY RAPE

HULI ang isang 18 anyos na kelot na listed bilang most wanted sa kasong statutory …

cyber libel Computer Posas Court

Sex offenders database itinutulak ng senador

ITINUTULAK ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagtatatag ng isang pambansang database ng mga sex …

Leave a Reply