Thursday , February 9 2023

Marian kakalabanin sina Jolens, Karla at Melai

TALK about morning programs. Ang unang nagsimula ng showbiz morning talk show noong araw ay si Kuya Germs. Nang matapos iyon, sumunod naman iyongKatok Mga Misis ng yumao na ring si Giovanni Calvo. Iyon naman ang sinundan ng Sis nina Janice de Belen, Gellie de Belen, at Carmina Villaroel. Kung iisipin mo, iyang GMA 7 nga ang naging pioneer sa morning talk shows. Dati kasi iyang umaga, ang palabas lang talaga sa TV ay cartoons.

Doon naman sa ABS-CBN, siguro nga ang masasabi nating longest running morning talk show ay nagawa nila mula noong 1991 hanggang 1997, iyong Teysi ng Tahanan na ang host ay ang komedyanteng si Tessie Tomas. Mataas ang rating niyang Teysi ng Tahanan, hanggang sa ang host nga mismo ang nagpasyang gusto muna niyang magpahinga. Nagkaroon din ng morning show si KC Concepcion na hindi rin naman tumagal. Tapos ang showbiz tsismis host na si Kris Aquino  na ang kanilang inilagay.

Doon naman sa TV5, isa sa show nila na naging kontrobersiyal at pinanood ng mga tao talaga ay iyong Face to Face na hino-host noon ni Amy Perez. Kung natatandaan ninyo, doon din nagkaroon ng TV exposure at sumikat si PAO ChiefPersida Acosta. Pero nagpalipat-lipat kasi ng oras, bumaba ang ratings.

Ngayon sagupaan na naman sila sa morning show. Nasa kabila si Jolina Magdangal, kasama si Melai Cantiveros at ang nanay ni Daniel Padilla na siKarla Estrada.

Sa GMA naman, isinabak nila sa morning show ang sinasabi nilang prime time queen nila na si Marian Rivera roon sa Yan ang Morning. Napanood namin iyong trailer na ipinalalabas nila. Iba’t ibang segment din naman iyon, May entertainment, may lifestyle at iba pa. Hindi kami magtataka kung isang araw ay nariyan na rin si Boy Logro para magturo ng cooking.

Sino kaya ang mananalo sa kanilang dalawa ngayon?

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

David Licauco

David Umamin: I Like Cute Girls

RATED Rni Rommel Gonzales SA isang exclusive interview ng GMANetwork.com kamakailan ay inamin ng Maria Clara at Ibarra star …

Carla Abellana

Carla Abellana mga barkada ang kasama sa Valentine’s day

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na magiging malamig ang Valentine’s Day celebration ng primetime actress …

Gina Alajar Nora Aunor

Ate Guy ibinuking minsan silang nagkasamaan ng loob ni direk Gina

MA at PAni Rommel Placente SA storycon ng isang pelikula na magkasama sina Nora Aunor at actress-director Gina …

Jenny Miller Dr Emily Otani

Jenny Miller, sobrang thankful sa kakaibang kabaitan ni Dr. Emily Otani

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SOBRANG saya ni Jenny Miller sa birthday bash niya recently …

Carla Abellana Bea Alonzo

Carla ‘nakorner’ ni Bea, umaming nagsisisi sa pagpapakasal kay Tom

MA at PAni Rommel Placente SUMALANG si Carla Abellana sa lie-detector test challenge para sa vlog ni Bea …

Leave a Reply