Friday , May 17 2024

Sen. Trillanes ‘di patitinag vs Binay (Kahit may arrest warrant)

HINDI raw patitinag si Sen. Antonio Trillanes IV laban sa pamilya Binay kahit may warrant of arrest nang inilabas ang Makati RTC kaugnay ng kasong libel na inihain ni Makati Mayor Junjun Binay.

Ayon kay Trillanes, pinag-aaralan na ng kanyang abogado ang naturang kaso ngunit hindi siya titigil sa pag-uusig sa pamilya Binay.

“Kung ang layunin ng pamilya Binay sa kasong ito ay para tigilan ko sila sa aking pag-uusig, nagkamali sila. Hindi ko hahayaan ang mga magnanakaw na mamuno ng ating bansa,” wika ni Trillanes.

Nabatid na sinabi ni Atty. Maricel Cairo, clerk of court ng Makati RTC, magiging automatic na ang warrant of arrest makaraan makitaan ng probable cause ang kaso.

Nag-ugat ito sa expose ni Trillanes na sinasabing nasuhulan ng kampo ni Binay ng halos P50 milyon ang dalawang Court of Appeals (CA) justices na may hawak ng kaso.

Kabilang sa mga inakusahan ng pagtanggap ng suhol sina CA Justices Jose Reyes Jr., at Francisco Acosta. Sinasabing tumanggap ang mga mahistrado ng tig-P20 milyon para sa TRO at dagdag na P5 milyon nang ilabas ang injunction.

Naglabas ng warrant of arrest ang Makati RTC laban kay Trillanes kaugnay ng nasabing kaso. 

About Cynthia Martin

Check Also

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

BuCor CHR NBP Bilibid

CHR umarangkada vs strip search ng BuCor

TINANGGAP ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga imbestigador ng Commission on Human …

SHS graduates may libreng TESDA skills assessment sa 2025

MAKATATANGGAP ng libreng TESDA skills assessments ang mga Senior High School (SHS) sa ilalim ng …

Philippines Plane

Para sa DFA
Travel agencies humiling na ikonsidera estriktong ‘visa rules’ sa Chinese tourists

DAPAT timbangin ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy ang positibo at negatibong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *