Friday , August 12 2022

Regal, top money maker ng horror film

112515 haunted house janella
NOONG kumanta si Janella Salvador sa press conference ng pelikula niyang Haunted Mansion, lahat talaga ay tumahimik at nakinig. Mahusay pala talagang kumanta ang batang iyan. Aba eh may pinagmanahan naman. Ang nanay ng batang iyan ay ang Miss Saigon veteran na si Jenine Desiderio. Ang tatay naman niyan ay si Juan Miguel Salvador. Puwede nga bang hindi magaling na singer iyan.

Iyon nga lang, hindi isang musical kundi isang horror film ang kanyang launching movie, iyong Haunted Mansion. Okey lang naman iyon, kasi lately wala na tayong mga pelikulang musical. Parang hindi na uso eh. Iyong horror, aba eh diyan magaling ang Regal. Ipinagmamalaki nila iyong kanilang Shake, Rattle and Roll na naging bahagi ng taunang film festival sa loob ng 15 taon, at laging top money maker. Sila rin ang gumawa niyong Bahay ni Lola. At makalilimutan ba naman natin iyong pelikulang Tiyanak.

Naging bukambibig iyon noong araw at sinasabing ”anak ni Janice”. Talagang pagdating sa horror gumagawa ng history iyang Regal, kaya kung makakasama ka sa isang horror movie nila, suwerte ka dahil tiyak na kikita iyan. Kung ikaw pa ang ila-launch at gagawing bida, aba eh napakalaking bagay niyon.

Kahit nga si John Lapus eh, na star ng isa pang horror movie, Buy Now, Die Later na makakalaban niyang Haunted Mansion sa festival ay umaming matindi ang Regal pagdating sa horror. Lagi nga raw siyang may role na pinapatay ng mga aswang o ng mga monster.

Kuwento ng mga estudyanteng nag-ghost hunting iyang Haunted Mansion. Hindi multo riyan si Janella. Siya iyong pretty girl nila sa grupo ng mga kabataan. Hindi pa namin nakikita ang kabuuan ng pelikula, pero ang feedback na narinig namin mula sa ilang tekniko na nakasilip na sa kanilang post production, magaling daw na aktres si Janella. Aba eh magaling din namang aktres ang nanay niyan eh.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply