Friday , August 12 2022

Derrick, nakatatanggap ng mga indecent proposal

112015 derrick monasterio
INAMIN ng alaga ng aming kaibigang si Manny Vallester, na si Derrick Monasterio na totoong nakatanggap na rin siya ng “indecent proposal”, sa madaling salita alok na makipag-sex, at ang iniaalok daw sa kanya ay napakalaking halaga. Hindi raw bading ang nag-alok sa kanya niyon kundi isang mayaman at kilalang matrona.

Pero aminado siya na hindi naman niya nakaharap mismo ang matrona, kundi ang isang confidante lamang niyon na siyang nagpaabot sa kanya ng indecent proposal. Ibig sabihin hindi siya sigurado kung ang matrona nga iyon, o baka naman ginagamit lang ng bugaw ang pangalan ng matrona para hindi mabulgar kung sino talaga ang interesado.

Pero teka, mukhang mali yata iyan dahil ang gusto nilang mai-project na image ni Derrick ay wholesome. Matinee idol ang dating niya eh. Hindi naman siya gumagawa ng mga seksing serye o seksing pelikula. Iyon ngang pelikula niya, iyong Babaylan, historical pa ang dating. Pero bakit nga ba ang napag-uusapan ay mga indecent proposal?

Kung sa bagay, sexy naman kasi ang dating talaga ni Derrick, kaya lang parang hindi bagay na talagang personalidad niya ang ganoong usapan.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply