Saturday , January 28 2023

Polo, parang nagsisimula pa lang ang career

070815 Polo Ravales
PAGKATAPOS ng press conference nila niyong Angela Markado ay nakausap pa namin ang isa sa mga actor na gumanap din bilang rapist ni Angela, si Polo Ravales. Inamin ni Polo na malaking bagay para sa kanya ang pelikulang iyan. Iyong huli raw niyang pelikula ay isa lamang indie na ginawa niya noong nakaraang taon pa. Iyong huli niyang mainstream movie ay ginawa niya matagal na panahon na. Ngayon lang siya ulit nakagawa ng isang mainstream movie.

Ang feeling nga raw ay parang noong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang career, noong ang una niyang pelikula ay sabay-sabay na ipinalalabas sa maraming sinehan. Alam naman ninyo kasi ang mga indie, isa o dalawang sinehan lamang iyan.

Nangiti na lang din si Polo nang sabihin sa kanyang noong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang career, maraming mga kritikong nagsasabi na sa kanilang batch ay siya ang pinakamagaling na actor, iyon nga lang may ibang mas nabigyan ng break kaysa kanya.

“Siguro hindi talaga para sa akin iyon. Siguro naman darating din iyong panahon na ako naman ang mabibigyan ng chance,” sabi ni Polo.

Siguro nga pagkatapos niyang Angela Markado na sinasabing napakahusay ng kanyang acting, darating na ang kanyang tamang panahon.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Ara Mina

Sa sunod-sunod na trabaho
ARA MINA AYAW MUNA MAGBUNTIS

I-FLEXni Jun Nardo TIME out muna si Ara Mina sa pagbubuntis this year. Eh nagdatingan kay Ara …

Spa Massage

Spa ginagamit para ibugaw mga starlet at indie stars

ni Ed de Leon AKTIBO na naman umano ang mga showbiz pimps. May isang showbiz pimp na …

Vice Ganda

Career ni Vice Ganda bumubulusok na?

HATAWANni Ed de Leon MAY tsismis kaming nasagap. Tsismis lang naman ito, hindi kami sigurado …

Charles Angeles

Charles ng Marikit Artist Management handa sa intriga sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente NOONG Martes ng gabi, ipinakilala sa entertainment press ang bagong …

Klinton Start Nadine Lustre

Klinton Start wish maka-work si Nadine

MATABILni John Fontanilla MAGDIRIWANG ng kanyang ika-21 kaarawan ang tinaguriang Supremo ng dance Floor at …

Leave a Reply