Tuesday , January 31 2023

Magic ni Direk Carlo dapat umepekto kay Andi

111615 ANDi Angela Markado
KAILANGANG umepekto ang magic ni direk Carlo Caparas diyan sa pelikula niyang Angela Markado. Mahirap iyan dahil remake nga ang pelikula. Ikalawa, kung ang pagbabatayan mo ay ang huling pelikula niyang si Andi Eigenmann, iyong tungkol sa multo sa sinehan, aba e napakalaking flop niyon. Ibig sabihin, mahirap mong asahan na may batak si Andi kahit na sabihing magaling siya sa pelikula.

Pero nakagawa na ng ganyang milagro si direk Carlo noong araw. May umiiral na slump sa industriya. Hindi pa naman malaking box office star noon si Dawn Zulueta. Pero nang gawin niya iyong Maggie dela Riva Story, aba naging isang napakalaking hit at bumangon ang buong industriya.

Kung mangyayari ulit ngayon ang ganoon, aba eh malaking tulong iyon kay Eigenmann na sa ngayon ay hindi mo pa masasabing matatag talaga ang career. Nakagawa na rin naman siya ng mga hit na pelikula noong araw, pero hindi masasabing siya ang nagdala ng mga pelikulang iyon.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito Lapid ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang …

aldub alden richards Maine Mendoza

Alden itinangging ikinasal at may anak kay Maine

RATED Rni Rommel Gonzales SA wakas ay nagsalita na at tinapos na ni Alden Richards ang walang …

Vin Abrenica Sophie Albert

Vin Abrenica at Sophie Albert ikinasal na

MATABILni John Fontanilla NAG-ISANDIBDIB na noong Miyerkoles sina Vin Abrenica at Sophie Albert makaraan ang ilang taong pagsasama. Hindi …

Cassy Legaspi Darren Espanto

Cassy aminadong boyfriend material si Darren

MA at PAni Rommel Placente MAGKAIBIGAN nga lang ba sina Cassy Legaspi at Darren Espanto kahit na madalas silang …

Jeremy Luis Marikit

Ex-Starstruck Jeremy Luis muntik mag-quit sa showbiz

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na muling mag-focus sa kanyang showbiz career ang guwapong dating Starstruck Batch 7 …

Leave a Reply