Thursday , January 27 2022

Alden, humble pa rin kahit super sikat na!

093015 alden richards
MALAYO na ang narating ng AlDub tandem. Tila papalpak ang mga doom sayers sa pagsasabing hanggang umpisa lang ang phenomenal na tamabalang ito.

At true, naitumba na ng AlDub ng KathNiel at JaDine na sa ngayon ay hahabol-habol na lang.

Take note, may nakaambang filmfest movie na ang dalawa na tiyak na blockbuster. O ‘di ba lagi namang number one si Bossing Vic Sotto kaya dagdagan mo ng AlDub at Ai Aidelas Alas, may hahanapin ka pa ba?

And may commercial na ang dalawa na talagang inaaabangan. No less than a giant burger company got the services of the two. Smash hit talaga hindi po ba?

Any moment sisimulan na yung movie with Ai Ai and Bossing. This was announced officially at kahit ‘di pa sure ang partisipasyon ni Yaya Dub because of some technical problem, Alden Richards is sure in it already.

Pero sa kabila ng success, Alden has remained humble, nakatayo pa rin daw ang mga paa sa lupa. Likas naman kasing mabait si Alden at siya ‘yung tipong ‘di lalaki ang ulo. We have known this boy from his young days at puwede naming patunayang isa siyang humble na tao.

As for Maine Mendoza, we still don’t know. ‘Di pa natin alam kung paano niya naha-handle ang kasikatan niya ngayon. Pero kung gaya siya ng mga naunang sumikat, puwede na naming sabihing GMA7 is creating a monster. Kapag hindi kasi na-handle na mabuti ang tinatamong phenomenal popularity ngayon ni Maine baka sa bandang huli pati mga taong gumawa sa kanya ay kanyang silain.

Huwag naman sana!

 

THE GOSSIPMILLER – Cesar Pambid

About Cesar Pambid

Check Also

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABILni John Fontanilla LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 …

Iya Villania Drew Arellano Antonio Primo Alonzo Leon Alana Lauren

Iya, Drew at mga anak okey na

RATED Rni Rommel Gonzales BUMALIK na sa kanyang trabaho sa 24 Oras ang host na si Iya Villania matapos …

Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Ziggy

Dingdong at pamilya nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Dingdong Dantes na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa coronavirus …

Leave a Reply