Wednesday , December 1 2021

Mabilis na hustisya para sa Kentex workers (Sigaw ni Villar )

TALIWAS  sa kaso ng Ozone Disco fire na inabot ng 20 taon bago naparusahan ang mga nagkasala, umaasa si Sen. Cynthia Villar ng agarang hustisya para  sa 72 manggagawa na namatay sa  Kentex factory fire sa Valenzuela City bilang senyales na seryoso ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas.

“We thought we learned from the Ozone Disco incident 19 years ago but here comes another deplorable fire incident that killed 72 workers. Something is patently wrong in the mechanisms in place for something this terrible to happen again,” ani Villar.

“I just hope we don’t have to wait for another 20 years. Let the legal process proceed smoothly for the Kentex workers and reforms in the system implemented as soon as possible,” dagdag niya.

Sa pag-akda sa panukalang Senate Resolution No. 1346, nanawagan si Villar  na magsasagawa ang Senado ng pagsisiyasat sa mekanismo, batas at alintuntunin, kabilang ang mga gawain sa aktuwal na pagpapatupad ng Republic Act 9514 o ang Fire Code of the Philippines, at ang Occupational Safety and Health (OSH) standards.Sinabi ni Villar na dapat imbestigahan ang posibleng paglabag sa OSH standards sa Kentex Factory kaugnay sa pagbabawal ng pagwe-welding sa lugar na may combustible materials at pagkakaroon ng dalawang fire exits sa bawat palapag ng lugar na pinagtratrabahuhan.

Dapat din siyasatin ang paglabag sa Fire Code na kailangan magsagawa ng fire inspection sa ‘workplace’  bago ang pagpapalabas ng occupancy permit, business permit, o permit to operate.

“City officials should also be held liable for administrative and criminal charges in connection with their involvement in granting safety clearance and permits to the establishment without conducting actual inspections and despite several structural defects,” sabi ng senador.

May 162 katao ang namatay at 93 ang nasugatan sa naganap na sunog  noong 1996 sa Ozone,  tinaguriang pinakagrabeng sunog  sa kasaysayan ng Pilipinas.

Bunga nito, pitong opisyal ng Quezon City government ang napatunayang nagkasala sa kasong katiwalian. Dalawang  operators ng Ozone Disco ang napatunayan din nagkasala. Overcrowding at ang kawalan ng fire exit ang mga paglabag na napatunayan sa sunog na ito.

 “It is incumbent upon the state to revisit and look into the practices being done in the actual implementation of the Fire Code and the OSH standards in order to find the fault in the system,” ani Villar. Inihayag ng Nacionalista Party senator na dapat tiyakin ng mga awtoridad ang karampatang kompensasyon para sa kamag-anak ng mga namata at dapat tugunan ang medikal na pangangailangan ng mga nasugatan.  

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Bantag BuCor Muntinlupa

Appointment ipinababawi kay Duterte
BANTAG NG BUCOR PERSONA-NON-GRATA SA MUNTINLUPA

PATULOY ang pagmamatigas ni Bureau of Corrections (BuCor) Director, Undersecretary Gerald Bantag na nasa tama …

Kano natagpuang patay sa nirerentahang kuwarto sa Kyusi

NATAGPUANG patay ang 55-anyos Amerikano sa loob ng kaniyang inuupahang silid sa Barangay Holy Spirit, …

Randy Rafael 15 Chinese teabag shabu

Sa Kankaloo
P.1-B SHABU NASAKOTE SA ‘TAO’ NG CHINESE ILLEGAL DRUG TRADER

AABOT sa P102 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang hinihinalang …

Lincoln Ong Mohit Dargani Pasay city jail

2 opisyal ng Pharmally ‘di bibigyan ng VIP treatment — BJMP

TINIYAK ng isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang special …

113021 Hataw Frontpage

PH gov’t dapat mag-imbak
ANTI-VIRAL PILLS EPEKTIBO SA LAHAT NG COVID-19 VARIANTS

ni ROSE NOVENARIO DAPAT mag-imbak ang pamahalaan ng anti-viral pills na gawa ng pharmaceutical companies …

Leave a Reply