Friday , November 22 2024

Sports

Pacers pasok sa Playoffs

UMABANTE sa playoffs ang Indiana Pacers matapos tambakan ang Brooklyn Nets 129-105 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season. Bumanat si Myles Turner ng 28 points at 10 rebounds habang kumana si Solomon Hill ng 13 points at 12 rebounds para ilista ng Indiana ang 43-37 win-loss slate at upuan ang seventh place sa Eastern Conference. Bumakas sina …

Read More »

PINANGUNAHAN ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia ang (sounding of horn) kasama sina PSC executive director Atty. Guillermo B. Iroy at Philippine Olympic Committee (POC) executive board member Col. Jeff Tamayo ang pormal na pagsisimula ng Araw ng Kagitingan fun run (5K, 3K) kung saan may isang libo’t limang daan ang lumahok na ginanap sa Quirino Grandstand ground …

Read More »

Phoenix-FEU tatapusin ang Café France

PIPILITIN ng Phoenix -FEU na tapusin  ang Cafe France at ibulsa  ang kampeonato ng PBA D-League Aspirants Cup sa kanilang pagkikita sa Game Four ng best-of-five title series mamayang 3 pm sa Filoil Flying V Arena sa San Juan. Nakuha ng Tamaraws ang 2-1 kalamangan sa serye matapos na maungusan ang Bakers, 85-84 noong Huwebes. Nagbida para sa Phoenix si …

Read More »

Mapanatili kaya ng Meralco ang tikas?

NAKASEGURO ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup ang Meralco Bolts matapos nilang talunin ang Mahindra sa kanilang out-of-town game sa Puerto Princesa, Palawan noong Sabado. Iyon ang ikawalong tagumpay sa sampung laro ng Bolts. May isang game na lang silang nalalabi at ito ay kontra sa Barangay Ginebra sa Miyerkoles. Pero kahit na ano pa ang mangyari …

Read More »

PCU pinagpag ang AMA

Nagpaputok ng 18 three-point shots ang dating  NCAA champion Philippine Christian University-Lilac Experience upang paluhurin ang AMA-Wang’s Ballclub , 124-102, sa  2016  MBL Open basketball championship sa EAC Sports and Cultural Center sa Manila. Hindi masyadong nahirapan ang PCU sa kanilang panalo dahil sa tinikada ni Mike Ayonayon ang 29 puntos, kasama ang pitong three-pointers habang may apat na triples …

Read More »

Mabagsik pa rin si Pacquiao

IMPRESIBO ang ipinakitang laban ni Manny Pacquiao laban kay Tim Bradley nitong nakaraang LInggo. Nanalo si Pacman via unanimous decision. Bago pa ang nasabing laban ay inanunsiyo ng ring announcer na iyon na ang magiging huling laban ni Manny sa ring at magreretiro na ito. Pero pagkatapos ng laban kay Bradley na talaga namang dinomina niya—ang tanong ngayon ng boxing …

Read More »

Meralco asam ang twice-to-beat (Kontra Alaska)

SISIGURADUHIN ng Meralco ang pagkakaroon ng twice-to-beat advantage sa quarterfinal round ng PBA Commissioner’s Cup sa pamamagitan ng  pagposte ng panalo kontra Alaska Milk mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Sa unang laro sa ganap na 4:15 pm ay nais ng Globalport na maging maganda ang pamamaalam nito sa torneo sa sagupaan nila ng Phoenix Petroleum. …

Read More »

Sayang ang 69 puntos ni Thornton

HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nanghihinayang sa pagkatalong sinapit ng NLEX sa kamay ng San Miguel Beer noong Martes. Kasi talaga namang mahilig kumampi ang mga tao sa underdogs. E, angat na angat naman talaga ang Beermen kontra sa Road Warriors sa larong iyon. Katunayan ay idinikta nga ng San Miguel Beer ang laro mula umpisa subalit nakahabol …

Read More »

Space Needle nagpakitang gilas

Nagpakitang gilas muli ng isang panalo ang kabayong si Space Needle na sinakyan ni Jeffril Zarate sa isang 3YO Handicap Race (4-5) na grupo nung isang gabi sa pista ng San Lazaro. Sa largahan ay nauna sa lundagan sina Jeff, subalit biglaang umarangkada sa may tabing balya ang kalaban nilang si Sky Dancer ni Pati Dilema. Sa pagkakataong iyan ay …

Read More »

INIHAYAG ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico na bukas na ang tatlong araw na paligsahan ng 2016 Ayala-Philippine National Open Invitational Athletics Championships sa simpleng seremonya sa PhilSports sa Pasig City. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

2016 Ayala Philippine National Open Invitational Athletics Championships

MAHIGIT 1,000 atleta, kabilang ang ilang dayuhang man-lalaro, ang lalahok sa gaganaping Ayala Philippine National Open Invitational Athletics Championships sa PhilSports Arena (dating ULTRA) sa Pasig City simula ngayon hanggang sa Sabado, Abril 9, 2016. Inorganisa ng Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA) sa ilalim ng pamumuno ni Philip Ella Juico, sina-sabing kakaiba ngayon ay isasagawang edisyon ng …

Read More »

RoS vs Globalport

SISIKAPIN ng NLEX at Rain or Shine na selyuhan na ang quarterfinals berths sa pagtutuos nila ng magkahiwalay na kalaban sa PBA Commissioner’s Cup mamayang hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Maghaharap ang Road Warriors at magbabawing San Miguel Beer sa ganap na 4:15 pm samantalang makakatagpo ng Elasto Painters ang naghihingalong Globalport sa 7 pm main game. …

Read More »

Café France kontra Phoenix-FEU

KOKOMPLETUHIN ng Phoenix Accelerators ang Cinderella Finish sa pagkikita nila ng Cafe France sa Game Two ng best-of-three finals ng PBA D-League Aspirants Cup mamayang 12 ng tanghali sa Filoil Flying V Arena sa San Juan. Napanalunan ng Phoenix ang Game One, 82-78 noong Huwebes at kung makakaulit ito mamaya ay tuluyan na nitong maiuuwi ang korona. Ang Phoenix ay …

Read More »

NAGPUMIGLAS si Reil Cervantes ng Blackwater Elite para makawala sa  mahigpit na depensa nina Cliff Hodge at Cris Newsome ng Meralco Bolts. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Ginebra dapat sigurado ang tapak para makaakyat

KAHIT pa papalit-palit ng coaches ang Barangay Ginerba ay very consistent naman ang koponang ito sa pagpasok ng playoffs. Hindi natsutsugi ng maaga ang Gin Kings at laging nakararating sa susunod na round matapos ang eliminations. Kumbaga’y kahit na sinong coach ang pahawakin sa koponang ito ay walang problema ang elimination round. Hindi sila tulad ng ibang koponan na minsan …

Read More »

Subido humakot ng medalya (Paralympics)

Humarbes sina national differently-abled athletes Ronald Subido at Arman Dino ng gold medals sa katatapos na 5th PSC-PhilSpada National Paralympic Games 2016 sa Markina City Sports Center. Nilangoy ni Subido ang swimming men’s S9 50-meter at 100m freestyle gold medals para idagdag sa naunang golds nito sa 400 free at 100 butterfly events ng palaro. “Hindi ko akalaing magiging atleta …

Read More »

Big Guns gitgitan sa LBC Ronda

PUKPUKAN ang Navy-Standard Insurance at MVP Sports Foundation pagsipa ng Luzon Leg, LBC Ronda Pilipinas 2016 umpisa sa Paseo de Sta. Rosa at matatapos sa tuktok ng Baguio City sa Abril 9. Ipagyayabang ng Navy team sina Visayas Leg champion Ronald Oranza, Mindanao Leg winner Jan Paul Morales at Visayas Leg’s second placer Rudy Roque para makamit ang asam na …

Read More »

UMATAKE sa basket si Japeth Aguilar ng Ginebra sabay iwas sa depensa ni Rome dela Rosa ng Alaska. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Low Profile nag-ehersisyo lang

Nag-ehersisyo lang ang kabayong si Low Profile na nirendahan ni Mark Angelo Alvarez nung isang araw sa pista ng Sta. Ana Park at nakapagtala pa ng magandang tiyempo na 1:12.8 (25’-22’-24’) para sa 1,200 meters na distansiya. Ayon sa ating bubwit ay kinakailangan pa rin na magbatak ni Low Profile kahit pa medyo lamang siya sa malaking pakarera na pinaghahandaan …

Read More »

Ray Parks kuminang sa NBA D-League

Sumiklab si former National University Bulldogs star Bobby “Ray Ray” Parks Jr.sa NBA D-League matapos tumikada ng 16 points para akbayan ang Texas Legends sa 139-109 panalo kontra Oklahoma City Blue sa Dr. Pepper Arena sa Frisco, USA. May follow-up stats pa si Fil-Am guard at two-time UAAP Most Valuable Player Parks ng four rebounds at tig tatlong assists at …

Read More »

Huling laban ni PacMan panonoorin ng mundo

LAS VEGAS—Sa pag-akyat ni  eight-division world boxing champion Manny Pacquiao sa ibabaw ng lona na maaaring huling pakikihamok na niya sa larangan, inaasahang buong mundo muli ang umaabang lalo na ng mga Pinoy. Ang  Pambansang Kamao ay haharapin si Timothy Bradley sa ikatlong pagkakataon sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas. Ang  Filipino sports icon  ay magreretiro na …

Read More »

Quarterfinals lumalabo sa Star

MEDYO masikip na ang daan tungo sa quarterfinals para sa Star Hotshots Ito ay matapos na makalasap ng back-to-back na kabiguan ang Hotshots at bumagsak sa 4-6 record. Sayang! Kasi, bago ang mga kabiguang iyon ay nakapagrehistro ng tatlong sunud-sunod na tagumpay ang Star. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon sa career ni Jason Webb bilang coach sa PBA na nagkaroon siya  …

Read More »

Puwede pang lumaban si Manny

PAGKATAPOS ng laban ni Manny Pacquiao laban kay Tim Bradley sa April 9—magreretiro na nga ba siya? Iyon ang sabi ni Pacman.   Magsasabit na nga siya ng glab pagkatapos ng laban kay Bradley, manalo’t matalo. At sa napipintong pagreretiro ni Manny isa si Bob Arum ng top Rank ang tipong humihirit pa.   Aniya, hindi pa laos ang Pambansang Kamao para …

Read More »

Phoenix-FEU kontra Café France

MATAPOS na makumpleto ang pagwalis sa magkahiwalay na kalaban sa semis, sisimulan ng Cafe France at Phoenix Petroleum ang best-of-three serye para sa kampeonato ng PBA D-League Aspirants Cup mamayang hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Halos parehas ang laban ng Bakers at Fuel Accelerators na naghahangad na makauna agad sa Game One na magsisimula sa ganap na …

Read More »

Villanueva binitbit ang OLLTC sa MBL

Umangas si Ivan Villanueva upang itaguyod ang Our Lady of Lourdes Technological College sa 107-91 panalo kontra Macway Travel Club sa 2016 MBL Open basketball championship sa Rizal Coliseum. Rumatsada si 6-foot-3 Villanueva ng 34 puntos para pantayan ang dating single-game high ni  Mel Mabigat ng Jamfy-Secret Spices laban sa OLLTC-Takeshi nung nakalipas na linggo. Nagpakitang gilas si Villanueva sa …

Read More »