Sunday , February 25 2024

Para sa 2019 Dubai Int’l Basketball Championship

HINDI pa nasusulit ang kan­yang retirement, balik basketball na agad si Jett Manuel matapos kunin ng Mighty Sports bilang miyembro ng ipapadala nitong koponan sa Dubai International Basketball Championship sa susunod na buwan.

Kinuha si Manuel ng pam­bato ng bansa bilang dagdag na puwersa sa koponang gaga­bayan ni head coach Charles Tiu at babanderahan ng tatlong imports na sina Randolph Mor­ris, Justin Brownlee at Lamar Odom.

Makakasama rin nila sina Joseph Yeo at Gab Banal gayundin ang UAAP stars na sina Juan Gomez de Liano mula sa UP at Santi Santillan mula sa La Salle.

Matatandaang nitong Biyernes, sorpresang inia­nunsiyo ni Manuel ang kanyang pagreretiro mula sa Barangay Ginebra isang taon matapos ma-draft bilang 12th overall pick noong 2017 PBA Annual Rookie Draft.

“It was definitely short, but definitely sweet. Choosing to retire was not easy but I’m excited for everything that lies ahead,” aniya.

“I’ll always be connected to the game of basketball, but in different form this time.”

Pansamantala lamang ang kanyang paglalaro para sa Mighty Sports dahil ilalaan niya ang kanyang oras sa pamilya at sa kanyang propesyon bilang licensed Civil Engineer na dahilan ng kanyang maagang pagreretiro.

Naglaro dati para sa Mighty Sports ang dating UP standout na si Manuel bago pumasok sa PBA kasama sina Jeron Teng, Kiefer Ravena at Brownlee sa parehong torneo sa Dubai, United Arab Emirates.

Nakatakda ang invitational tournament mula 7-16 Pebrero at makasasagupa nila ang siyam pang ibang koponan sa pangunguna ng host team na United Arab Emirates na ipaparada ang kanilang natio­nal basketball team gayundin ang Al-Nasr mula Libya, As Sale ng Morocco, Es Rades ng Tunisia, Al Ahly at Al Zamalek ng Egypt at ang Al Riyadi, Homentmen at  Al-Hikma ng Lebanon.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

FESSAP

FESSAP-APUG 3×3 Philippines didribol sa Marso 15-17

IPINAHAYAG ng One Dream Sportsman, sa pamumuno ni basketball coach Dr. Norman Afable, ang pagdaraos …

NCAA Season 99 Juniors Basketball Tournament

NCAA Juniors Basketball Tournament simula na 

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang aksiyon sa NCAA Season 99 dahil umpisa na ang bakbakan sa NCAA …

Christian Mark Daluz Chess

Sa Antonio “Bolok” Memorial Open Rapid Chess Tournament
FM DALUZ WINALIS MGA KATUNGGALI

MARIKINA CITY — Napanatili ni FIDE Master (FM) Christian Mark Daluz ang mainit na simula …

Niño Alcantara Tennis

Naging Number One Doubles Player sa Pilipinas  
NIÑO ALCANTARA UMAKYAT MULA 176 HANGGANG 169 SA ATP RANKINGS

SI NIÑO Alcantara, ang sumisikat na tennis star mula sa Pilipinas, ay patuloy na gumagawa …

Surigao Diamond Knights ACAPI Chess

Surigao Diamond Knights: Ready, excited na maglaro sa ACAPI tourney

MANILA—Sabi ng beteranong woodpusher na si Lennon Hart Salgados na team captain ng Surigao Diamond …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *