Thursday , December 2 2021

Leo Awards, isasabay sa PBA opening (Sa 13 Enero 2019)

ISASABAY ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Leo Awards o ang pagpa­parangal sa mga natatanging manlalaro ng taon sa pagbu­bukas ng 44th Season sa 13 Enero 2019 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ito ang unang pagkakataon na hindi sa pagtatapos ng sea­son ginanap ang naturang sere­monya na kinikilala ang pinaka­magagaling na manlalaro sa 43rd season.

Kadalasan, sa Game 4 ng Governors’ Cup ginaganap ang Leo Awards ngunit naurong sa pagkakataong ito bunsod ng pagsuporta ng PBA sa national team na Gilas Pilipinas.

Solido ang suporta ng PBA sa Gilas sa limang windows ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers na nagresulta sa pagtagal ng liga sa loob ng isang taon mula 1 Disyembre 2017  hanggang 19 Disyembre 2018 – pinakamahabang season sa kasaysayan.

Inaasahang si June Mar Fajardo ang susungkit ng pinakamataas na parangal na Most Valuable Player bunsod ng kanyang Best Player of the Conference plums sa unang conferences na Philippine Cup at Commissioner’s Cup kahit hindi nakalaro masyado sa Governors’ Cup.

Kung sakali, ito na ang magiging ikalimang MVP ni Fajardo na maglalagay sa kanya sa natatanging puwesto sa PBA dahil malalagpasan na niya ang mga alamat na sina Alvin Patrimonio at Ramon Fernandez na kapwa may tig-4 na MVP.

Igagawad ang iba pang parangal ng pinakamatandang liga sa Asya ang Mythical Team, All Defensive Team, Defensive Player of the Year at Rookie of the Year.

Ibibigay din ang iba pang parangal tulad ng Samboy Lim Sportsmanship award gayondin ang mga parangal na igagawad ng PBA Press Corps tulad ng Scoring Champion, Baby Dalupan Coach of the Year, Danny Floro Executive of the Year, Bogs Adornado Comeback Player of the Year, Order of Merit, All Rookie Team, All Interview Team at Game of the Season.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Luke Walton Alvin Gentry

Coach Luke Walton tinanggal ng Sacramento Kings

NA-PROMOTE si Sacramento Kings associate head coach Alvin Gentry sa interim head coach pagkaraang sipain …

Conor McGregor

Conor McGregor sasabak sa Octagon sa 2022

NANINIWALA si Conor McGregor na nasa unahan siya ng pila para sa 155-pound title shot   …

Denice Zamboanga Drex Zamboanga

Denice, Drex Zamboanga magbabalik-Pilipinas

MAGBABALIK sa bansa  si Filipina ONE Championship Atomweight Denice “Lycan Queen” Zamboanga pagkaraan ng mahaba-haba …

Miguel Leon Tyson Mike Tyson

Anak ni Iron Mike gustong lumaban sa England

IPINAKITA ni Miguel Leon Tyson, anak ng pamosong dating heavyweight champion Iron Mike Tyson, ang …

Kamaru Usman Canelo Alvarez

UFC’s Usman gustong makaharap sa ring si Canelo

INULIT ni UFC welterweight champion Kamaru Usman ang matindi niyang hamon kay super middleweight boxing …

Leave a Reply