Friday , June 26 2026

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Marawi City prosecutor dedo sa ambush

Patay ang isang prosecutor na nakabase sa Marawi City makaraan barilin dakong 12:05 p.m. kahapon. Kinilala ng Marawi-Philippine National Police ang biktimang si Prosecutor Saipal Alawi. Batay sa report ng pulisya, pauwi na si Prosecutor Alawi sa kanyang bahay nang bigla na lamang tambangan ng hindi pa nakilalang mga armadong lalaki. Sa ngayon, nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon ng pulisya hinggil …

Read More »

Umurong ba ang ‘balls’ ni Kgg. Ali Atienza? (Sa isyu ng nasolong RPT ng Barangay 128 sa Maynila)

NATUWA tayo nang umastang ‘pulis pangkalawakan’ si Manila District V councilor, Kgg. Aligator ‘este’ Ali Atienza in behalf of Barangays 105, 110, 107, 116, 118, 123, 39, 275 at 44 na nabukulan/nawalan sa kanilang Real Property Tax (RPT) shares. Natuklasan kasi ng nasabing mga punong barangay na ang kanilang RPTs ay napuntang lahat sa barangay lang ni Chairman SIEGFRED HERNANE …

Read More »

Ang birtud ni Major Rollyfer Capoquian sa PNP-SPD

MABAGSIK daw pala ang birtud ni Parañaque Baclaran PCP chief, Chief Insp. Rollyfer Capoquian. Sinibak ni NCRPO chief, Dir. Gen. Carmelo Valmoria pero ibinalik agad ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Erwin Villacuarta ‘este’ Villacorte. Nitong nakaraang Biyernes Santo kasi, nag-ikot si Gen. Valmoria sa kanyang area of responsibility (AOR). Nang magawi sa Baclaran, natiyempohan ni Gen. Valmoria …

Read More »

Suspensiyon ng P250 mula sa P550 terminal fee hiniling ng AOC (Habang under rehabilitation ang NAIA Terminal 1)

HINILING kamakailan ng may 40 miyembro ng Airline Operators Council (AOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa management ng Manila International Airport Authority (MIAA) na pansamantalang suspendihin ang P250 mula sa P550 terminal fee sa bawat umaalis na pasahero sa NAIA terminal 1. “Since the Ninoy Aquino International Airport terminal 1 (NAIA 1) is undergoing rehabilitation and passengers are …

Read More »

Tagumpay ng EDCA nakasalig sa relasyon ng US at PH

DEDEPENDE ang tagumpay ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Estados Unidos at Filipinas sa implementasyon nito, ayon kay Senadora Grace Poe. Sa Tapatan sa Aristocrat media forum, idiniin ng senadora ang halaga na hindi lumalabag ang EDCA sa ating mga batas sa ilalim ng Konstitusyon at maging sa ating soberenidad. Habang sumasang-ayon na ang EDCA ay isa …

Read More »

Feng shui health tips to lose weight

ANG unang lugar na dapat pagtuunan ng pansin sa pagsisikap na bumaba ang timbang, ay ang kusina. Kailangan ang clutter free kitchen na may feng shui sense of freshness and lightness. Kaya linisin nang mabuti ang kusina at idispatsa ang mga pagkain na batid mong dapat iwasan kung nais mong bumaba ang iyong timbang. Feng shui color-wise, maipapayo na pumili …

Read More »

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Sa napiling landas na tatahakin, pakiramdam mo’y may bagay na nawawala. Taurus  (May 13-June 21) Sapat ang iyong enerhiya, gamitin ito sa maraming aktibidad. Gemini  (June 21-July 20) Ang sitwasyon sa bahay ay maaaring makahadlang sa iyong mga plano. Cancer  (July 20-Aug. 10) Masusumpu-ngan ang sarili sa nakalilitong sitwasyon. Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Huwag sosobra ang …

Read More »

Lumang bahay sa panaginip

Gud day Sir, Ask ko lng po meaning ng pnginip ko…umuwi dw ako s lumang bhay nmin s mandaluyong…den pgakyat s 2nd floor dretso ako s room pra mkita anak ko…pro bglang bumaba ang mami ko ksma anak ko at ang daddy ko n 8yrs ng patay…pro not exactly n kitang kita ko ang daddy ko bsta cgaw lng dw …

Read More »

Totoy sinagip ng pusa sa asong ulol

NAGING trending sa internet ang dramatic footage ng matapang na pusa habang sinasagip ang isang batang lalaki mula sa atake ng asong ulol. Bunsod ng insidente, marami ang nagsabi na ang mga pusa ay maaari ring maging “man’s best friend” bukod sa aso. Ini-post ng ABC affiliate ang video, na mapapanood ang bata habang lulan ng maliit na bisekleta sa …

Read More »

Pinakamayamang musikero sa mundo

NANGUNA si Adele sa listahan ng ‘Richest Musicians Under 30’ nang hindi siya nagtrabaho sa loob ng isang taon! Nakalikom ang 26-anyos na singer ng yamang umaabot sa £45 milyon—katumbas ng lahat ng pinagsamang kinita ng mga miyembro ng One. Sinasabing ang yaman ni Adele ay lumaki ng £15 milyon sa nakalipas na taon hanggang umabot sa £45 milyon. Sinimulan …

Read More »

Mahilig sa sex

Sexy Leslie, Pahanap naman po ang asawa ko Lorie villalobos Ancheta from Menere Batangas, bigay po ako pera bago ako alis punta ng Taiwan. 0948-6816358 Sa iyo 0948-6816358, Sa iyo Lorie, pag nabasa mo ito, umuwi ka na nang hindi na maglabas ng pambayad ang asawa mo sa kakahanap sa iyo. At para naman sa mga nakakakilala kay Lorie, tulungan …

Read More »

Loving & caring hanap

”Hi kuya wellz. Im KRISTINE, looking a guy whose mb8 & caring..Im 19 yrs old here in TAGUIG..even his not totally handsome…19-25 only…Thnk you… pls publish my #…”cp# 0929-3285074 ”Hellow! Kuya Wells…Hanap lng po ng SEXMATE, GIRL, 19 and under…yung HONEST at my FB. Im JAY from MANILA …Thnx!”  CP# 0926-7802241 ”Hi! Im ROSE hanap u aqo ktxtm8, ung mabait …

Read More »

Batang Kalye (Part 20)

ATUBILI MAN, SINAMAHAN NAMIN SI ATE SUSAN SA HIDEOUT NG MGA KUMIDNAP SA ANAK NILA “Alam ko… Alam ko ‘yan, ‘San…Pero mas makabubuti kung nandito ka lang,” sansala ni Kuya Mar kay Ate Susan. “Hihintayin ko kayong mag-ama.” “Makababalik kami rito nang ligtas ng ating anak.” “M-Mag-ingat ka” “ ‘Wag kang mag-alala… Kasama ko ang Diyos…” ang tiwalang nasabi ni …

Read More »

Saan Ka Man Naroroon Aking Mahal (Ika-30 labas)

ALANG-ALANG KAY CARMINA MATIYAGA KONG PINAKINGGAN ANG MGA SALITA NG DIYOS MULA SA BIBLIA “Makinig ka, ha?” Tumango ako kahit alam kong magi-ging kabagut-bagot para sa akin ang pakikinig sa sinasabing mga salita ng Diyos na nasusulat sa Bibliya. Pero alang-alang kay Carmina na katabi sa mahabang bangko ay itinalaga ko ang sarili na huwag magpapa-talo sa inip. Pormal munang …

Read More »

Bamboo at Sarah, nahirapan at na-challenge sa mga bulilit na bibida sa The Voice Kids

ni Maricris Valdez Nicasio SIMULA nang ipakita ang teaser ng mga bulilit na makikipagtunggali sa pinakabagong programa ngABS-CBN2 na The Voice Kids, isa ang inyong lingkod sa na-excite sa pagsisimula nito. Kaya naman sa Mayo 24, makikilala na ang mga bulilit sa likod ng mga higante at kakaibang boses na haharap sa hamon ng pagtupad ng kanilang mga pangarap. Kapwa …

Read More »

Coco, pinuri ang acting ni Sarah sa Maybe This Time

ni Maricris Valdez Nicasio HINDI dapat palampasin ng mga tagahanga at ng mga film buff ang Maybe This Time dahil minamarkahan ng pelikulang ito ang unang tambalan nina Coco Martin at Sarah Geronimo na dalawa sa pinakamalaki at pinaka-bankable na mga bituin ng ABS-CBN ngayon. Idinirehe ni Jerry Lopez Sineneng at isinulat nina Anton Santamaria at Melai Monge, angMaybe This …

Read More »

Kasalang Angel at Luis, ‘di pa this year

ni Roldan Castro Tungkol naman sa personal ni Luis, happy siya ngayon at lumusog ng 10 pounds. Parang part na ng family si Angel Locsin. Noong Mother’s day nakita sa social media ang larawan nila na kasama si Gov. Vilma Santos-Recto, si Sen. Ralph at si Ryan Christian. Hindi itatago ni Luis ang pakiramdam niya na masaya sa piling ni …

Read More »

Luis, panakip butas sa The Voice Kids dahil may PBB All In si Toni?

ni Roldan Castro NAKAUSAP namin si Luis Manzano at naitanong sa kanya kung bakit kinuha siyang host ng The Voice Kids. “Nagkataon lang siguro na gusto nila mas credible ‘yung host. Since, busy si Toni (Gonzaga), ako na lang,” nagbibiro niyang sagot. “Pero to be perfectly honest, Toni is doing ‘PBB’ kasi, so magkaka-conflict. I think ‘pag nag-live sila, mahihirapan …

Read More »

Jennylyn, mahal pa rin si Luis kaya wala pang BF?

ni ROLDAN CASTRO TWENTY seven na si Jennylyn Mercado noong May 15 na hindi nakapag-celebrate ng birthday dahil may taping ng kanyang Rhodora X. Okay lang daw basta healthy at tuloy-tuloy ang pagpasok ng blessings. Wala rin siyang balak na mag-celebrate ‘pag wala siyang taping. Itutulog na lang daw niya para makapagpahinga. Kahit nali-link siya kina Benjamin Alves at Luis …

Read More »

Actor, sinuspinde dahil sa kapuputak

ni Roldan Castro TOTOO ba ang napapabalitang suspendido ang isang actor dahil sa paglabas niya ng saloobin sa mga kaibigan niyang hindi na regular na makikita sa isang show? Ayon sa balita, ipinatawag siya ng management at sinabihan na kung may problema siya dapat ay una niyang sinasabi sa production o sa management. Hindi ‘yung nagpuputak na siya sa media. …

Read More »

Mark, bano pa ring umarte kahit 10 taon na sa showbiz

ni RONNIE CARRASCO III WALANG espesyal na dahilan para tutukan namin ang psycho dramang Rhodora Xng GMA, nagkataon kasing pre-programming ‘yon ng katatapos lang na Koreanovelang A 100-Year Legacy. Kumbaga, wala kaming choice na mapanood ang ilang tagpo sa seryeng pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Dahil naging habit na namin ang aming “choice-less” na panonood sa seryeng  ‘yon, …

Read More »

PBB, hindi na exciting panoorin!

ni Vir Gonzales MARAMI ang nakakapansin, parang hindi na raw exciting ang arrive ng Pinoy Big Brother All In. Lalo pa’t nalamang ang mga napiling kasali pala ay parang sariling choice at may palakasan effect!? Hindi kamukha noong araw, mga mukhang inosente ang mga kasaling gumaganap sa loob ng Bahay ni Kuya. Bakit kaya ganoon ang naging decision ng ABS-CBN? …

Read More »

Coco, natulala sa galing ni Sarah sa Maybe This Time

ni Nonie V. Nicasio AMINADO ang tinaguriang Teleserye King na si Coco Martin na sobra siyang napabilib kay Sarah Geronimo habang ginagawa nila ang pelikulang Mybe This Time na showing na sa May 28. “Dito sa movie namin, ako ang nabibigla kay Sarah. Kasi noong mga unang araw namin, halos hindi ko siya mahawakan, ‘di ko alam kung paano kami …

Read More »

Daniel Matsunaga, bagong housemate sa PBB All In

ni Nonie V. Nicasio ANG Brazilian-Japanese model/actor na si Daniel Matsunaga ang pinakabagong PBB All In housemate. Binansagang Hunk of the World, si Daniel ay pumasok sa Bahay ni Kuya last Saturday, kasabay ng first eviction night. Sa pag-entra ni Daniel sa PBB All In, tiyak na mas maraming tututok sa reality show na ito ng ABS CBN. Sure rin …

Read More »