Friday , June 26 2026

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

PH ex-Ambassador sa Nigeria guilty sa malversation

HINATULANG guilty ng Sandiganbayan si dating Philippine Ambassador to Nigeria Masaranga Umpa para sa tatlong counts ng kasong malversation of public funds. Ito’y kaugnay ng maanomalyang paggamit ng dating opisyal sa US$ 80,478.80 o P3,749,948.98 na Assistance to Nationals stand-by funds. Ayon sa desisyon ng Sandiganbayan, 10 hanggang 17 taon makukulong si Umpa kaakibat ang habambuhay na diskwalipikasyon sa pagbabalik-gobyerno. …

Read More »

Jeane Napoles nagpiyansa sa P17.8-M tax evasion case

NAGLAGAK ng piyansa sa kasong tax evasion si Jeane Catherine Napoles, anak ng itinuturong utak ng bilyong-pisong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles. Oktubre 2013 nang kasuhan ng tax evasion si Jeane ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bunsod nang hindi pagbabayad ng buwis para sa mga ari-arian sa loob at labas ng bansa. Setyembre 2014 nang aprubahan ng …

Read More »

 ‘Barbie’ sumalang sa witness stand vs Pemberton

SA ikalawang araw ng murder trial ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, tumestigo si alyas Barbie, itinuturing na star witness ng prosekusyon. Akusado si Pemberton sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City noong Oktubre 2014. Kaugnay nito, kontento ang pamilya Laude sa pagsalang ni Mark Clarence Gelviro alyas Barbie sa witness stand, na itinuro …

Read More »

Sanggol namatay sa meningococcemia (Sa CamSur)

BINAWIAN ng buhay ang isang 11-buwan sanggol dahil sa sakit na meningococcemia sa Fernando, Camarines Sur, ayon sa report na natanggap ng Department of Health (DoH). Ayon sa DoH, noong Marso 17 namatay ang sanggol at dahil positibo sa sintomas ng meningococcemia ang biktima ay agad inilibing at binigyan ng prophylaxis ang mga naging close contact. Samantala, iimbestigahan ng Philippine …

Read More »

Sarhentong Gorio ng SPDO at City of Dreams

NAIS patunayan nina SPDO Director General Henry Ranola at NCRPO chief Director Carmelo Valmoria na galit sila sa mga tinaguriang ‘bugok na itlog’ sa kanilang hanay. Kapwa ipinag-utos nina Valmoria at Ranola ang paghuli sa bugok na si Sarhentong GORIO AGRIMANO, ang kapalmuks na pulis na nangongolekta ng payola mula sa mga ilegalista na pasimuno ng bold shows, prostitusyon, ilegal …

Read More »

LRT operation ititigil sa Semana Santa

PANSAMANTALANG ititigil ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT ) Line 1 at Line 2 sa Semana Santa (Abril 2 hanggang Abril 5), pahayag ng pamunuan ng LRTA kahapon. Sinabi ng tagapagsalita ng LRTA na si Atty. Hernando Cabrera, mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay ay walang biyahe ang kanilang mga tren sa LRT Line 1 at …

Read More »

Ligtas ang lahat sa Earth Hour — Roxas

KASABAY ng pakikiisa ng buong Pilipinas sa ‘Earth Hour’ ngayong Marso 28, siniguro ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na nakaalerto ang buong Philippine National Police (PNP) laban sa mga krimeng maaaring maganap sa dilim. Ayon kay Roxas, gumagalaw ang pulisya alinsunod sa OPLAN Lambat-Sibat, ang mas pinalawak na taktika ng PNP laban sa krimen, sa pamamagitan ng …

Read More »

 ‘Songs for Heroes Benefit Concert’ para sa “SAF-44” tagumpay!

MANILA, Philippines – ANIM na milyong piso ang nalikom sa matagumpay na benefit concert na ‘Songs for Heroes’ sa Mall of Asia (MOA) noong Marso 19 para sa mga napaslang at mga nasu-gatang kasapi ng Special Action Force ng Philippine National Police (SAF-PNP) matapos ang kanilang operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Ang proyekto ay sa kagandahang loob ni Bro. …

Read More »

2 coco farmer nangisay sa koryente

KALIBO, Aklan – Patay ang dalawang lalaki nang makoryente habang nangunguha ng niyog sa Altavas, Aklan kamakalawa. Kinilala ni PO3 Venus Olandesca ng Altavas PNP station, ang mga biktimang sina Joseph Lorempo, 44, residente ng Man-up, Batan, at Ali Gonzaga, 46, ng Poblacion, Altavas. Base sa report, habang nangunguha ng niyog si Lorempo ay nahulog ang isang bunga sa linya …

Read More »

‘K to 12’ wala pang pondo

ni Tracy Cabrera KINUWESTYON kahapon ni Suspend ‘K to 12’ coalition convenor Rene Luis Tadle ang kakulangan ng preparasyon para sa pagpopondo ng K to 12 program na pinipilit umanong isabatas ng Department of Education (DepEd). Sa Tapatan sa Aristocrat media forum, idiniin ni Tadle na nabigo ang mga proponent ng panukalang batas na patunayang handa ang DepEd para maipatupad ang …

Read More »

Suweldo ng mga Pangunahing Lider sa Mundo

Kinalap ni Tracy Cabrera KAMAKAILAN, inihayag ni Russian President Vladimir Putin na lahat ng nagtatrabaho sa ilalim niya ay magkakaroon ng 10 porsiyentong paycut, o pagbawas sa kanilang suweldo, dahil sa lumalalang mga economic sanction na ipinataw sa kanilang bansa. Kung aktuwal na mararamdaman man ni Putin at ng kanyang staff ang sinasabing kabawasan sa kanilang suweldo ay hindi pa …

Read More »

Amazing: TV signer sa deaf people naging internet sensation

NAGING internet sensation ang isang 48-anyos lalaki na nag-senyas ng mga awitin para sa deaf people sa ginanap na finals sa paligsahan sa pag-awit ng Eurovision sa Sweden. Ang pagsayaw at pagsenyas ni Tommy Krangh kasabay ng pag-awit ng mga kalahok, ay naging malaking hit sa social media, at milyon-milyon na ang nanood ng video sa Facebook at YouTube. Bunsod …

Read More »

Feng Shui: Kulay kasama ng buhay

NAMUMUHAY ang tao sa sikat ng araw, at namumuhay sa piling ng mga kulay. Dahil tayo’y namumuhay kasama ng mga kulay, tumutugon tayo sa mga ito sa bawa’t sandali. Kung hindi natin gusto ang kulay ng ilang piraso ng damit, gaano man kaganda ang style o kaganda ang tela, hindi natin ito bibilhin. Maraming mga pag-aaral na isinagawa upang mabatid …

Read More »

Ang Zodiac Mo (March 24, 2015)

Aries (April 18-May 13) Higit na kaakit-akit sa iyo ang materyal na mga bagay, ngunit hindi ibig sabihin na lumalayo ka na sa iyong ispiritwalidad. Taurus (May 13-June 21) Bagama’t ang iyong feeling ay medyo needy ngayon, mapapansin mong maitutuon mo ang iyong sarili sa ilang kagila-gilalas na performance o art – kung ito ang nais mong gawin, ito’y dapat …

Read More »

Panaginip mo, Interpret ko: Humibas na dagat

Good pm po, Ako po si Alma, ask ko lang po, ano po ibig sabihin ng panaginip ko. ‘Asa dagat po ako malinaw bumaba ako at lumangoy umahon po ako sa kabila ay puno ng tubig tumingin muli ako sa binabaan kong tubig ngunit paglingon ko’y hibas na ang tubig (09307705624) To Alma, Ang dagat na napanaginipan ay may kaugnayan …

Read More »

It’s Joke Time: Si angkol

PAMANGKIN: Angkol, angkol… Madaling kinorek ng Tiyo ang kanyang pamangkin. “Hijo, ikaw ay nasa America na. Hindi Angkol… Angkel!” Itinuloy ng pamangkin ang kaniyang kuwento, “Angkel, Angkel, I rode my bysikol…” Madali muling ikinorek ng Tiyo ang kanyang pamangkin. “Hijo, nasa America ka na. Hindi bysikol ang tawag diyan… Baysikel.”  

Read More »

Mga maikling-maikling kwento: White Lily (Ika-31 labas)

“Payapa na sana si Mommy sa kanyang kinaroroonan,” aniya sa pagpapahid ng kanyang mga mata ng panyong basambasa na ng luha. “Tahan na… ‘Ly… Baka kung mapa’no ka naman,” si Ross Rendez, masuyong hu-magod ng palad sa kanyang likod. Nagpamisa si Lily sa simbahan sa ika-apatnapung araw ng kamatayan ng kanyang Mommy Sally. Nakaalalay pa rin sa kanya ang binatang …

Read More »

Ang Karibal ni Kevin kay Maybelle (Part 4)

SA KUPIT NA 2 KENDI NAGKULAY TALONG ANG DALAWANG BINTI NI KEVIN SA PALO “Ano ikaw gusto bili?” ang magiliw na tanong sa kanya nito kahit pilipit ang dila sa pananagalog. Isa-isa niyang binanggit ang mga ipina-bibili ng ina sa sari-sari store na ipina-ngalan kay Aling Cely, ang dating kasambahay na napangasawa ni Mang Ong. Sa bulung-bulungan ng may makakating …

Read More »

Gomez tinibag si Chao

ni Arabela Princess Dawa BINULAGA ni Pinoy GM John Paul Gomez si super GM Li Chao sa ninth at final round ng 5th HDBank Cup International Open Chess Tournament 2015 kahapon sa Vietnam. Tinalbos ni No. 7 seed Gomez (elo 2524) si top seed Chao (elo 2721) ng China matapos ang 58 moves ng English upang ilista ang 6.5 points …

Read More »

Jockey Christopher Garganta at ang tulong ng KABAKA foundation

BAGO pa lang naghihinete o apprentice jockey ay nakitaan na si Christopher “Tope” Garganta ng husay sa ibabaw ng kabayo. May dalawang taon din siya sa Philippine Jockey Academy nag-aral. Si Ginoong Raymond Puyat, isang businessman at horse owner ang nag-isponsor sa kanya upang makapasok sa academy. Noong una ay nanonood lang siya sa mga nag-eensayong hinete sa loob ng …

Read More »

Melissa, nagpapasaklolo sa Gabriela

ni Alex Brosas NAKAKALOKA itong si Melissa Mendez, ang hilig mag-selfie kaya naman napahamak. Inamin ni Melissa sa interview na gusto n’yang kunan ang ulap while on board an airplane. Kaso wala siya sa window seat kaya naman nakiusap siya sa isang guy kung puwedeng makiupo sa seat nito. Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang masampal ni Melissa ang guy. …

Read More »

Coco, nahirapan sa pag-i-Ingles

ni Alex Datu NAKAHAHANGA ang pag-amin ni Coco Martin na kulang na lang ay sabihing ‘bobo’ siya dahil hindi siya magaling sa English. May mga eksena siya sa latest offering ng Star Cinema, ang katambal niya for the first time si Toni Gonzaga na kailangang mag-deliver ng English line. Inamin nito na hirap na hirap siya and to prove, naka-take …

Read More »

Aljur, kinain ang isinukang pagmamalaki sa GMA

ni Ronnie Carrasco III KUNG sa tanong kung hanga kami sa ginawang desisyon ni Aljur Abrenica to embrace GMA anew sa kabila ng kanyang legal action para i-release siya ng estasyon, our answer is a resounding NO! Kinain din pala ng pogi pero ham actor ding ito ang kanyang isinuka as though nothing happened. Hayun ang mokong, nag-guest na sa …

Read More »

Romantic interests sa role nina Dong at Marian, inalis?

ni Ronnie Carrasco III HINDI pa man umeere ay napapanood na ang teaser ng comeback soap ni Dingdong Dantes sa GMA, this after isa na siyang ganap na married man. Similarly, hindi pa yata nakapagisimula ang taping ay kalat na rin sa social media ang ipinagbabanduhang return to TV ng maybahay ng aktor as proudly hyped by its resident network …

Read More »