Sunday , November 24 2024

News

Barangay Bucal sa Laguna kontaminado ng poliovirus

ILANG buwan matapos makompirma ng mga awtoridad ang muling pagsulpot ng sakit, lumabas sa isang pagsusuri na positibo sa poliovirus ang mga water sample mula sa isang sapa sa lungsod ng Calamba, sa lalawigan ng Laguna.   Ipinag-utos ng mga opisyal ng Barangay Bucal sa kanilang mga nasasakupan na huwag magpunta sa Ligasong creek, kung saan nakuha ang water sample. …

Read More »

Modified number coding scheme ipatutupad ng MMDA sa Lunes, 8 Hunyo

SIMULA sa Lunes, 8 Hunyo 2020, ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pangunahing lansangan ang modified unified vehicular volume reduction program o modified number coding scheme, matapos itong aprobahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA. Base sa MMDA Regulation 2020-001 series of 2020, awtomatikong exempted mula sa number coding scheme ang mga …

Read More »

Anti-Terrorism Bill, hindi anti-human rights — DILG  

HINDI anti-human rights ang ang anti-terrorism bill.   Ito ang pinanindigan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa halip ay pinoprotektahan ng batas ang karapatan ng mga inosenteng tao mula sa mga terorista.   Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, layon ng Anti-Terrorism Bill na burahin ang terorismo sa bansa.   “Ang layon ng Anti-Terrorism Bill …

Read More »

Frontliners, sektor na mahihina unahin sa COVID-19 testing (Ipinasa sa Kamara)

IPINASA ng Kamara sa pangalawang pagbasa ang panukalang batas na magbibigay ng COVID-19 reverse transcription polymerase chain reaction (RT–PCR) testing para sa mahihinang miyembro o sektor ng lipunan. Ayon kay Iloilo Rep. Janette Loreto-Garin, kailangan unahing bigyan ng COVID-19 RT- PCR test ang mga manggagawa na bumalik sa trabaho, ang matatanda at mga may sakit. Sa kanyang sponsorship speech kahapon para sa …

Read More »

Pangakong ayuda ng Pangulo sa healthcare workers na biktima ng COVID-19 ‘binuro’ ng red tape (DOH, DBM, DOLE tinukoy ni Go)

DESMAYADO si Senate committee on health chairman Senator Christopher “Bong” Go sa mabagal na paglalabas ng concerned government agencies  ng  benepisyo na para sa mga frontliners partikular ang mga nagbuwis ng buhay sa paglaban sa pandemyang coronavirus (COVID-19). Sa kanyang  talumpati sa Senado, sinabi ni Go, nagtiwala siya sa kakayahan ng mga nasa government agency pero tulad ng nasabi niya …

Read More »

P1-B budget ng IBC-13 delikado sa ‘recycled official’

NANGANGAMBA ang grupo ng mga manggagawa at mga kawani ng Intercontinental Broadcasting Corp., (IBC-13) sa posibleng pag-upo ng isang “recycled official” bilang bagong general manager ng state-owned television network. Sinabi ni Alberto Liboon, pangulo ng IBC Employees Union (IBCEU), naalarma ang kanilang grupo sa ulat na maitatalaga ang isang Julieta Lacza bilang chief executive officer/president ng IBC-13 matapos tanggalin bilang …

Read More »

China telecom third telco? (HB No. 78 tangkang alisin ang telcos bilang public utilities — Carpio)

PINALUSOT ang House Bill No. 78 para makakawala ang telcos mula sa 60 percent Filipino ownership requirement ng Konstitusyon, ayon kay dating Supreme Court Justice Antonio Carpio. Ang HB No. 78 ay inaprobahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong 10 Marso 2020, isang linggo bago isailalim ang Metro Manila at ang ilang bahagi ng bansa ni Presidente Rodrigo Duterte sa …

Read More »

30 pasahero nakaligtas sa kotse vs PNR train

road accident

NAGBANGGAAN ang isang tren ng Philippine National Railways (PNR) at isang kotse na tumatawid sa riles sa Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.   Ayon kay Manila Police District – Abad Santos Station (MPD-PS7) commander P/Lt. Col. Harry Lorenzo, first responder, dakong 4:50 am nagandap ang insidente sa lugar.   Sa ulat ni Manila Traffic Enforcement …

Read More »

4 empleyado wagi sa labor dispute vs ABS CBN (Naunsiyami ng COVID-19)

abs cbn

APAT na sinibak na empleyado ng ABS-CBN ang nagwagi sa kanilang inihaing reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) bago tuluyang nawala sa ere. Inilabas ng NLRC ang desisyong return-to-work order para kina Rowena “Wheng” Hidalgo Otida, Jerome “Jay” Manahan, at John E. Cuba.Kasamang nanalo ng tatlo sa kaso (NLRC-NCR case no. 05-06101-03) si Ricky de Belen, ngunit namatay sa isang …

Read More »

PUJs ipasadang libreng sakay sa commuters, Driver bigyan ng subsidy (Sa Bayanihan to Recover as One bill)

NANAWAGAN si Senator Grace Poe sa gobyerno na umupa ng tradisyonal na jeepney na pasado sa safety protocol upang madagdagan ang mga pampublikong sasakyang maghahatid sa commuters sa panahon ng general community quarantine (GCQ). Ang mga jeep ay dapat na may mga marker at partition at susunod sa social distancing measures, ani Poe. “Malinaw na walang masakyan ang maraming pasahero …

Read More »

Jeepney drivers gawing contract tracers — Palasyo

IMINUNGKAHI ng Palasyo na gawing contact tracers ang jeepney drivers na nawalan ng hanapbuhay bunsod ng pagbabawal ng gobyerno na pumasada sila mula nang ipatupad ang lockdown sanhi ng coronavirus disease COVID-19 pandemic. “Well, alam ko po, ngayon ay naghahanap na ho tayo ng alternatibong mga kabuhayan sa kanila. Mayroong suhestiyon dati na ilan sa kanila ay kukuning contact tracers …

Read More »

Away sa ‘plato’ ng ‘tongpats’ umuusok sa senado (Sa anti-COVID-19 medical equipment)

HINIMOK ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang national Bureau of Investigation (NBI) na pangunahan ang imbestigasyon, pagsasampa ng kaso, at pag-aresto sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibidwal habang hinihikayat din ang sambayanan na isumbong sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) o sa kanya mismo kung may nalalamang anomaly kaugnay ng paggasta sa pondo ng gobyerno. Bilang Chairman ng Senate Committee on …

Read More »

‘Terror law’ nakalusot sa kongreso (Kulang na lang ng pirma ni Duterte)

MAS MASAHOL pa sa Human Security Act of 2007 kung maisasabatas ang panukalang Anti-Terror Law kaya’t mas angkop pang tawagin itong Panukalang Teror o Terror Bill. Inihayag ito kahapon ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kaugnay ng pinaspasang Anti-Terror bill na lumusot sa Kongreso kagabi at ihahain kay Pangulong Rodrigo Duterte para lagdaan at maging ganap na …

Read More »

2 PUI na preso pumuga sa quarantine facility sa Delpan arestado

arrest prison

MABILIS na naibalik sa Delpan quarantine facility ang dalawang detainee ng Manila Police District – Sta. Ana Station (MPD-PS6) na itinuturing na person under investigation (PUI) sa COVID-19  ilang oras nang madiskubreng tumakas sa pasilidad kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Maynila. Kinilala ni MPD director P/BGen. Rolando Miranda, ang mga ‘pugante’ na sina Ceasar Adriatico, 25 anyos,  naaresto dahil sa paglabag sa RA 9165, residente …

Read More »

25,000 Marawi bakwit hindi pa nakakabalik

Marawi

TATLONG taon matapos mawasak ang Marawi dahil sa pambobomba sa mga lungga ng Abu Sayyaf, 25,000 residente nito ay nanatiling ‘bakwit’ sa evacuation centers hanggang ngayon at hindi pa nakababalik sa normal na pamumuhay. Sa privilege speech ni Deputy speaker Mujiv Hataman, sinabi niyang lalong nalagay sa panganib ang mga bakwit na taga-Marawi ngayon dahil sa COVID-19. “Hindi either-or ang …

Read More »

2 SAP beneficiaries tiklo sa drug bust  

shabu drug arrest

NATIMBOG ng pulisya ang dalawang drug suspects na sinasabing mga benepisaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan, sa lungsod ng Lucena, lalawigan ng Quezon, kahapon, Martes ng umaga, 2 Hunyo.   Ayon kay P/Lt. Romulo Albacea, hepe ng Lucena police, nahuli sa akto ng mga awtoridad ang delear ng isda na kinilalang si Wilfredo Hernandez, Jr., at tricycle driver …

Read More »

Nurse sa Baguio, bagong COVID-19 patient sa lungsod

Covid-19 positive

NAITALA ang isang 38-anyos lalaking nurse na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) bilang pangatlong kaso matapos mailipat ang lungsod ng Baguio sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).   Hindi inilabas ng Baguio General Hospital and Medical Center ang mga detalye ng health worker.   Sinabi ni Dr. Rowena Galpo, city health officer, sa management committee meeting sa Baguio …

Read More »

Anti-Terror Law ‘gatong’ sa CPP-NPA  

PALALAKASIN ng Anti-Terror Law ang kilusang komunista dahil gagamitin ito para takutin at patahimikin ang lahat ng oposisyon kaya’t mapipilitan silang lumahok sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka.   Inihayag ito ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa kalatas na ipinadala sa media kahapon kasunod ng pagsertipika ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Terror Bill bilang urgent legislative measure.   “In the …

Read More »

DOTr Secretary, iba pang opisyal, hinamon sumabay sa obrerong ‘commuters’

HINAMON ni Senadora Nancy Binay ang mga opisyal ng pamahalaan lalo ang Department of Transportation (DOTr) na subukang magkomyut upang malaman ang nararamdamang hirap, pagod at pasakit ng mga manggagawa na katuwang ng pamahalaan para iahon ang ating ekonomiya, tuwing pumapasok sila sa trabaho sa pamamagitan ng mga public at mass transportation.   Bukod kay Binay, iginiit din nina Senador …

Read More »

Tugade umamin: Libreng sakay ng AFP, PNP ‘palpak’ sa health protocols

SABLAY ang proyektong ‘Libreng Sakay’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga stranded na pasahero kamakalawa dahil nagsiksikan sa mga truck na labag sa umiiral na health protocol na social/physical distancing. Inamin ito ni Transportation Secretary Art Tugade sa virtual press briefing sa Palasyo kahapon. “The assumption na pinapayagan namin na magsiksikan sa mga …

Read More »

Sa Leyte… 22 Balik Probinsya negatibo sa COVID-19

NEGATIBO sa SARS Cov2, ang corona virus na sanhi ng COVID-19, ang 22 kataong kasama sa mga umuwi sa lalawigan ng Leyte sa ilalim ng programang Balik Probinsya Bgtaong Pag-asa (BP2) ng pamahalaan na naglalaan ng libreng transportasyon sa mga nagnanais umuwi sa kani-kanilang lalawigan.   Kasama ang sample na kinuha mula sa kanila sa 90 benepisaryo ng programang BP2 …

Read More »

Comelec online registration isinulong (Sa panahon ng pandemya)

IMINUNGKAHI ni Senador Joel Villanueva sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng online registration para sa mga taong nasa tamang edad na nais lumahok sa susunod na halalan.   Ayon kay Villanueva, maganda ang hakbanging ito upang mabigyan ng higit na proteksiyon ang kalusugan ng mga mamamayan dahil maiiwasang labagin ang social/physical distancing na mahigpit na ipinatutupad bilang health …

Read More »

Suportang batas para sa local hospitals hiniling

“SANA sa panahon ng pandemic, suportahan  natin ang pagpasa ng batas na makakatulong sa ating mga kababayan.”   Binigyang diin ito ni Senate committee on health and demography chair Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang sponsorship speech kaugnay sa panukala para sa improvement ng dalawang government hospital, kabilang rito ang isinulong sa Kamara na House Bill 6036 at House Bill …

Read More »

DOH pinaglalahad ng tunay na datos sa COVID-19  

HINAMON ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Department of Health (DOH) na maging totoo o transparent sa mga datos na kanilang inilalabas sa publiko.   Ayon kay Drilon, marapat isapubliko ng DOH ang wasto at tunay na bilang ng mga apektado ng COVID 19.   Inihayag ni Drilon ang hamon, matapos ang insidente ng biglaang pagbawi ng DOH sa …

Read More »

Pataw na buwis sa online business magpapabansot sa umuusbong na digital economy

MAAANTALA ang pagsulong ng edukasyon, tulong pangkalusugan, at paglikha ng negosyo at trabaho sa panahon ng COVID-19 kung bubuwisan ng gobyerno ang lahat ng gamit at serbisyo sa tinatawag na digital economy o kalakalang online sa bansa, ayon kay Senador Imee Marcos.   Binanggit ng senadora ang dalawang panukalang buwis, kabilang ang 10% tax sa lahat ng imported na gamit …

Read More »