Thursday , June 4 2026
Bato dela Rosa

Bato ‘wag kumuha ng suweldo

KUNG hindi pumapasok, mas mainam na huwag kumuha o tumanggap ng suweldo.

Payo ito ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa para mabawasan ang pressure sa kanyang opisina.

Ayon kay Sotto, wala pa rin silang komunikasyon ni Dela Rosa kaya puwedeng huwag muna niya tanggapin ang suweldo hangga’t hindi siya pumapasok.

Ani Sotto, tuloy ang trabaho ng opisina ni Dela Rosa at nakapaghahain sila ng mga panukalang batas, resolusyon, at nakapagbibigay ng rekomendasyon sa ibang Bills.

Idinagdag ni Sotto, hindi na siya magtataka kung may maghain ng reklamo sa Ethics Committee laban kay Dela Rosa.

Inamin ni Sotto na walang rules ang Senado sa mga hindi pumapasok na senador at wala rin nakalagay sa Konstitusyon.

Aniya, may natatandaan siyang isa o dalawang congressman na minsan lang pumasok sa isang buong taon pero walang ginawa ang Kongreso at wala rin namang nagreklamo. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …