Saturday , April 20 2024

Peace covenant sa NCRPO nilagdaan (Sa Las Piñas)

ISINAGAWA kahapon sa lungsod ng Las Piñas ang dialogue at paglagda sa Peace Covenant sa pagitan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Muslim leaders.

Dumalo ang NCRPO sa pamayanang Muslim sa siyudad ng Las Piñas bilang bahagi ng peace covenant o mapayapang kasunduan, kapayapaan na naglalayong ipakita ang pagkakaisa, at makakuha ng suporta laban sa terorismo.

Sinabi ni Southern Police District (SPD) Director B/Gen. Jimeli Macaraeg, ito ay bilang pagpapaigting sa peace covenant para maiwasan ang dahas at karahasan na puwedeng mangyari sa hinaharap.

Isa sa mga napag­kasunduan at kanila rin iwawaksi ang karaha­san na maaaring mangyari sa kanilang lugar.

Aniya, napaka­gan­dang adhikain ito para sa lahat para maiwasan ‘yung puwedeng mangyari na terroristic activities.

Nakikiisa ang Muslim leaders sa kampanya ng NCRPO na labanan ang terorismo sa bansa.

Sinabi ni General Macaraeg, magtutulungan ang Philippine National Police (PNP), Barangay at Muslim Community sa Las Piñas upang mai-monitor ang mga bagong mukha na pumapasok sa kanilang komunidad.-

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *