Thursday , June 4 2026
2025 World Slasher Cup
TANGAN ng mga Co-champion sa 9-cock derby ang mga eleganteng tropeo. Nagwagi ang combined entries nina Rod Advincula/Tata Rey Briones/Tony Kho (GREENGOLD SPRTN-2), Don Guam/Nad Mendoza (V Boyz NM), Jonarie Fortaleza/Robert Santiago (Rueda 5 Gallera De Legaspi-1), Biboy Enriquez (FIREBIRD ANGELS), at Pep Goitia at Alvin Arañez (ALAB 2028-RED 2 FEB/24 S YNARES), matapos maka-iskor nang tig-walong panalo at isang talo sa pagtatapos ng unang edisyon ng 2026 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. (HENRY TALAN VARGAS)

5 entries wagi sa 2025 World Slasher Cup 1

MATAPOS ang mahigpit na bakbakan, limang entries ang umangat sa naganap na prestihiyosong 9-cock derby sa Smart Araneta Coliseum. Ang mga kampeon ay pinarangalan sa ginanap na awarding ceremony kahapon, 5 Pebrero sa World Kitchens, Gateway Mall 2.

Co-champion sa nasabing derby ang combined entries nina Rod Advincula/Tata Rey Briones/Tony Kho (GREENGOLD SPRTN-2), Don Guam/Nad Mendoza (V Boyz NM), Jonarie Fortaleza/Robert Santiago (Rueda 5 Gallera De Legaspi-1), Biboy Enriquez (FIREBIRD ANGELS), matapos maka-iskor nang tig-walong panalo at isang talo sa pagtatapos ng unang edisyon ng 2026 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby Linggo ng gabi.

Co-champion din sa nasabing torneo ang combined entry nina Pep Goitia at Alvin Arañez (ALAB 2028-RED 2 FEB/24 S YNARES), na nakapagtala ng kaparehong iskor sa pre-finals Sabado ng gabi, 31 Enero.

Naging runner-up sina Art De Castro (THUNDER KIDS) at Ito Ynares (YNARES COLISEUM FEB 17 6-COCK SA NCA TRADITIONAL) na parehong nakapagkamit ng 7.5 points.

Samantala, anim na entry —DARPY, PDJ PITMASTER CUP 11-COCK FEB 4, 7, 11, & 14 SA MANILA ARENA SIGAWAN ALL THE TIME, BLUE ANGELS A, SWING AM STAR V22, JMW INFINITI 8, at FUJI DELIGHT/LUKD KIANA 33-KNP — ang nagkamit ng 7 points sa pagtatapos ng nasabing torneo.

Nakapag-uwi ng tig-6.5 points ang SF JCAR EBROS D’ JOBAC-1, DOUBLE MANNY, GOLDEN C at THUNDERBIRD-V.

Nasa 92 soltada mula sa 46 entries ang nakipagbakbakan simula 1:00 pm nang walang tigil na sagupaan na umabot hanggang madaling araw ng Martes.

Kilala bilang “Olympics of Cockfighting,” ang World Slasher Cup (WSC) ang pinakaprestihiyosong international derby na ginaganap dalawang beses sa isang taon sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …