Thursday , June 4 2026
Joshua Semilla Mendoza MPD NBI
INIHARAP kahapon ng umaga, 5 Pebrero 2026 ng National Bureau of Investigation (NBI) ang AWOL na pulis, kinilalang si Patrolman Joshua Sevilla Mendoza, inakusahan ng panggagahasa sa isang babae. Naglabas ng warrant of arrest ang isang korte sa Maynila na nagbunsod sa boluntaryong pagsuko sa NBI kamakalawa. (EJ DREW)

Pulis ng MPD sumuko sa NBI

SUMUKO sa National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) nitong Miyerkoles, 4 Pebrero, si Pat. Joshua Semilla Mendoza ng Manila Police District (MPD), inakusahang nang-rape sa isang alyas Bella na nawalan ng malay sa inuman at dinala sa isang hotel sa Sampaloc, Maynila kamakailan.

Ayon sa NBI, ginawa ni Mendoza ang pagsuko matapos maglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court Branch 52 sa kasong paglabag sa Article 266-A, Paragraph 1(b) ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng R.A. No. 8353 (Rape).

Nakipag-ugnayan ang abogado ni Mendoza sa NBI sa kahilingan na ikustodiya siya ng ahensiya.

Matatandaang nagsampa ng reklamo si alyas Bella hinggil sa ginawa ng pulis simula nang siya ay mawalan ng malay sa isang bar sa Quezon City.

Kasama umano nila ang isa pang pulis, isang opisyal ng barangay at isang babae.

Sa alegasyon, nawalan siya ng malay sa hinalang may inilagay sa kanyang inumin at nagising na lang na nasa loob na siya ng motel kung saan naganap ang sexual assault.

Ang suspek matapos ang insidente ay hindi na nagpakita at idineklarang AWOL sa MPD.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …