Thursday , June 4 2026
Yosi Sigarilyo

2 politiko sa Norte sabit sa illegal manufacturing at smuggling ng yosi – DILG

INILARGA na ng mga pangunhaing ahensiya ng pamahalaan ang intelligence network para manmanan ang sinabing dalawang politiko mula sa northern Luzon na itinutong ‘utak’ at financier ng mga ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Pampanga.

Inihayag ito ni Interior and Local Government Secretary (SILG) Jonvic Remulla matapos salakayin ang isang bodega sa Mexico, Pampanga kung saan nabisto ang mga sigarilyo, cigarette-making machines, at tax stamps.

Ayon kay Remulla, ang nasabing planta ay nag-o-operate nang walang permit at lisensiya sa buong buwan ng Enero 2026 at nakapagmanupaktura ng P4.5 bilyong halaga ng sigarilyo.

“We suspect there are two northern Luzon politicians behind it. Sila ang masterminds, sila ang financiers,” sabi ni Remulla.

Dagdag niya, kontrolado ng dalawang politiko sa Luzon ang illegal tobacco trading sa naturang lugar. Kasunod nito, patuloy na bineberipika ng mga awtoridad ang impormasyong mayroong 10 iba pang ilegal na pagawaan ng sigarilyo sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“This is an international system. Ang intelligence namin dito galing pang Singapore and Indonesia na ginagawa rito, so it is larger than you think,” sabi ni Remulla.

Sinabi ni Remulla, posibleng nagsulputan ang ilegal na pagawaan ng sigarilyo sa bansa dahil sa mataas na tobacco excise tax.

Noong 2024, sinabing nawala ang P30 bilyong kita ng pamahalaan mula sa pagbubuwis dahil sa bentahan ng sigarilyo na hindi ipinagbabayad ng buwis.

“Ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapilay ang ilegal na operasyon hinggil sa tobacco manufacturing,” ani Remulla. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …