Thursday , June 4 2026
Shira Tweg Tine Areola Bambbi Fuentes Direk Louie Mantsa

Shira Tweg at produ na sina Tine Areola and Bambbi Fuentes, may patikim sa pelikulang “Mantsa”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGSIMULA nang mag-shooting si Direk Louie Ignacio para sa pelikulang “Mantsa” noong last week ng January 2026.

Tampok sa psychological thriller movie na ito sina Gelli de Belen, Janice de Belen, Snooky Serna, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, LA Santos, Shira Tweg, Bo Bautista, Khai Flores, Ghia Garcia, Mill Marzo, RJ Ariar, Rhein Barreto, Miles Poblete, at ang veteran actress na si Ms. Pilar Pilapil.

Ang Mantsa ay hatid ng Dragon Talent Management nina Bambbi Fuentes at Tine Areola.

Nagpahayag nang kaunting patikim ang young actress/singer na si Shira hinggil sa kanilang pelikula.

Wika niya, “This film is very-very exciting talaga, it’s kakaiba for me, personally.”

Ano ang preparation niya para sa gagampanang role?

Tugon ni Shira, “For me of course, to apply all of iyong mga lessons na ibinigay sa akin ng coach ko. And other than that, to apply everything that I’ve learned from my past films. 

“Other than that, to keep on watching to learn siguro, since binigyan po ako ng assignment to keep on watching…  Of course, since this is a big role for me, this is a very challenging role for me, siguro to learn how to play with that character with my own touch.”

Bakit Mantsa ang title ng movie?

Esplika ni Bambbi, “It is called Mantsa, stain… so when you see mantsa ano ang naiisip ninyo? Yeah, dirty… so, panoorin ninyo kasi maraming twist and angles and plots ‘yung pelikula. Na, I made it a point na, kasi pang bata ito, pang-Gen Z din and at the same time ay pang-icon din kasi nandiyan sina Gelli, Tita Pilar, Snooky.”

Wika pa niya, “Tama iyong sinabi ng mga bata, ang pelikula namin is about family, friendship, about relationships, lahat yata ng sangkap ay nandoon na. Kaya marami kayong aabangan and hopefully ay maging game-changer ito sa industry.

“And sana talaga ay maging masaya na ulit ang ating film industry.”

Ano ang inspiration niya sa pagsulat ng story nito?

Tugon ni Bambbi, “It was conceptualized during the shooting of Sugat sa Dugo, kasi during the pandemic, wala akong ginawa kundi manood ng Netflix, which I don’t do before.

“Kaya lang noong pandemic, locked ka, so wala kang choice but to watch. And then na-realize ko ano ba iyong mga nagna-number-1 sa Netflix? So, I had four to five genres and one of them nga ay ‘yung suspense-thriller.

“Ngayon, noong inaano ko na siya, lumawak na nang lumawak iyong istorya.”

Dagdag niya, “Almost 30 years na ako sa showbiz and then nagtayo kami ni Mare (Tine Areola) ng Dragon’s Entertainment Productions and we promised each other that we will make films that are out of the box. Kasi medyo pinag-aralan ko rin ang sistema, na you have to give people ng may quality na medyo iba. Kasi if you go with the ordinary flow, baka you know, pagsawaan.

“Kaya, ito, this is a genre na psychological-thriller-suspense. Pero ang dami ng twist, na parang kapag pinapanood mo, hindi mo alam kung ano ang mangyayaring next. And of course with the genius director, Direk Louie Ignacio, alam ko naman na hindi niya ito pababayaan.”

Ayon naman kay Ms. Tine, “It’s a movie for family, isang bata na minaltrato… searching for love sa family, until nagkaroon ng mental health problem. Iyong bata ay si Khai Flores, kuya ni Shira at si Shira ang naka-discover lahat ng lihim ng family nila.”

Nabanggit din ni Ms. Tine na happy siya sa cast ng movie nila na pinangungunahan ng magagaling na veteran actors.

Aniya, “They’re good, all of them, sina Gelli de Belen, Ms. Pilar Pilapil, Snooky, Janice de Belen, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, LA Santos, Bo Bautista, at mga talents natin. Kaya happy tayo.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …