Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kurt Veneracion AshDres

Kurt Veneracion type ‘guluhin’ ang AshDres

PANG-WHOLESOME ang hitsura ng baguhang aktor na si  Kurt Veneracion. Maituturing siyang guwapings o Adonis sa VMX

Marami kasi ang nagsasabi sa kanya na puwede siyang mag-artista at ‘wag sayangin ang kabataan at kaguwapuhan.

Alaga siya ngayon ni Ms Len Carrillo, producer at talent  manager ng 3:16 Media Network. Bida siya sa pelikulang Sagaran kasama sina Ashley Lopez, Marco Gomez, Mon Mendoza, at Yda Manzano.

Bakit  niya pinasok ang VMX  kaysa  maging wholesome ang image?

Mabilis po kasi ang oportunidad dito lalo na bilang first film at lead role po. Stepping stone po para  mapansin sa industriya. Challenge  ito sa sarili ko para  maipakita ang acting range ko. 

“Bukod pa rito, mas malaya ang platform sa mature at daring roles, kaya mas marami akong natutunan at mas na-explore ko ang craft ko kompara sa mas safe o conservative na wholesome projects,” deklara ni Kurt.

Naniniwala siya na matindi at maraming kakompitensya sa pagiging wholesome. Gusto niya na  mabilis na ma-penetrate ang showbiz. 

Kumusta ang experience  niya sa paggawa ng Sagaran?

Na-overwhelm ako sa simula kasi lead agad ang role ko at  first film ko ito. Sabay-sabay na  dumating ang pressure at expectation. Mabigat pero sobrang fulfilling ang experience dahil kinailangan kong mag-adjust sa workload at sa overall na takbo ng trabaho sa set. 

“Maraming moments na challenging at nakakapagod, pero roon ko rin mas natutunan kung paano maging mas disiplinado, patient, at open sa learning process.

“Sa buong experience, mas naintindihan ko kung gaano kahalaga ang teamwork at respeto sa bawat tao sa production. Hindi lang ito tungkol sa performance, kundi sa commitment at consistency hanggang matapos ang proyekto, kaya thankful ako sa mga natutunan at sa pagkakataong maging bahagi ng pelikulang ito,” lahad niya.

Anong unang reaksiyon niya  nang sabihing maghubad?

Medyo nakahihiya nga noong una, pero habang tumatagal, naging comfy na kasi ginagawa naman natin ito sa personal na buhay. Natutunan kong i-focus ang isip sa role at sa eksena kaysa sarili ko, kaya unti-unti na rin nawala ‘yung awkwardness at na-deliver ko nang maayos ang performance,” tugon niya.

Hirit pa ng batang aktor, malaki rin ang tiwala niya kay Direk Sid Pascua. Palabas na ngayon sa VMX ang naturang pelikula.

Sino ang showbiz crush niya at  gustong  makasama sa  Viva?

Crush ko si Ashtine Olviga. Bukod kasi sa talented siya , pangarap ko na makasama ang AshDres sa project nila. Kahit pampagulo sa kanila o third wheel. He!he!he,” bulalas pa ni Kurt na tumatawa.

Anong reaksiyon niya ‘pag sinabing guwapings sa VMX?

“’Pag sinabing gwapo ako sa VMX, natural lang na maramdaman mo ‘yung compliment, pero sa totoo lang, wala akong gaanong iniisip. Hindi sa pagmamayabang, sanay naman akong sabihan ng ganoon. Sinasabi ko lang madalas, ‘Wala pa ‘yan,’ kasi alam kong marami pa akong pwedeng i-improve  sa mukha  o sa katawan. Gusto ko mas ma-develop pa ang sarili ko  at ang  pag-arte kaysa  tumutok sa nakikita  nilang hitsura ko sa labas,” sey pa niya.

Sa ngayon, gustong mahasa sa pag-arte ni Kurt. Balak niyang pumasok sa summer acting workshop  para mas ma-improve ang akting niya. Gusto rin  kasi niyang makatawid sa pagpapaseksi  na maging wholesome ang proyekto sa tamang panahon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jemille Bituin Simple Lang

“Simple Lang,” debut single ng bagets na si Jemille Bituin

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG bagets na si Jemille Bituin ay isang budding singer at ang debut …

Yuki Sonoda Tony Labrusca Kelley Day

Yuki Sonoda, happy sa pagpasok ng “All About Her” sa Sinag Maynila 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Yuki Sonoda na sobrang saya niya nang nalamang ang …

Ramil Omosura

Pinoy-Canadian Idol Ramil Omosura balik recording

MATABILni John Fontanilla MULING magbabalik-recording ang Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura na ilang taon ding …

Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo nagpakilig sa kaarawan ng asawang si Maine 

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang birthday message ni Quezon City District …

Glenda Dela Cruz Ogie Diaz

Stroke survivor Miss Glenda ininterview ni Ogie Diaz, sinagot pag-uugnay kay Zaldy Co

NOONG nakaraang taon, nakikipaglaban ang skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, na mas …