Thursday , June 4 2026
Bacoor Cavite Police PNP

2 Chinese nasakote sa kidnapping

DINAKIP sa bisa ng warrant operations ang dalawang Chinese national, kamakalawa ng hapon sa Bacoor City.

Pawang mga walang kaukulang piyansa ang mga naarestong suspek na kinilala bilang alyas Yuan, residente sa Pasay City; at alyas Han, residente sa Parañaque City.

Batay sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Ariel Red, 3:00 pm nang magkasa ng warrant operation ang kaniyang mga tauhan sa Bacoor City Police laban sa dalawang suspek.

Bitbit ng grupo ang warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng RTC Branch 14 Nasugbu, Batangas na may petsang 4 Pebrero 2026 at walang inirekomendang piyansa para sa mga kasong Kidnapping for Ransom at Serious Illegal Detention (3 counts).

Sinabi ni PLt. Col. Alexie A. Desamito, hepe ng Bacoor Police, kasama nila sa isinagawang operation ang Anti-Kidnapping Group–Luzon Field Unit (AKG-LFU) na ikinaaresto ng mga suspek.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang mga suspek ay sangkot sa pagdukot sa dalawang Tsino, Koreano, at isa pang lalaki noong 2 Mayo 2025 sa Nasugbu, Batangas.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek.

Pinuri ni Col. Red ang kaniyang mga tauhan sa matagumpay kahit delikado ang operasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …