Sunday , April 20 2025

P1.3-B pekeng yosi, nasamsam 5 tauhan ng sindikato timbog sa sinalakay na factory

TINATAYANG nasa P1.3 bilyong halaga ng mga pekeng sigarilyo at mga materyales ang nakompiska, habang limang mga tauhan ng sindikato ang naaresto sa pagsalakay ng PRO3-PNP sa dalawang factory sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong nakaraang Huwebes, 24 Hunyo.

Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Vale­riano De Leon, dala ang mission order ay sinalakay ng mga kagawad ng Criminal and Detection Group (CIDG) Pampanga PFU, BIR R4 Regional Investigation Division, Mabalacat City PS, Pampanga PPO kaantabay ang PMFTC, IP Manila, at DOST3, ang factory sa DOST compound sa Brgy. Paralayunan, sa nabanggit na lungsod.

Nakompiska ng mga awtoridad ang isang berdeng Izuzu wing van truck, may plakang lO 3955 kargado ng mga sako-sakong pinatuyong tabako; isang Hyundai utility vehicle; 22 kahon, anim na ream ng Yunyan; 14 kahon Shuangxi; 13 kahon, 19 reams, siyam na pakete ng Gold Line; 72 reams ng Nanjing; walong reams ng Jinsiye; 19 reams, tatlong pakete ng Black Pearl; apat na kahon, 35 reams ng Marlboro; at 35 reams ng Titanium, at bultong materyales sa paggawa ng pekeng sigarilyo na may halagang P300,000,000.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Danny Martizano, 48 anyos, ng Bisug, Surigao Del Sur; Richie Alminion, 34 anyos, ng Cawayan, Masbate; Sammy Molina, 44 anyos, ng Natividad, Pangasinan; Ryan Tilanduca, 24 anyos, ng Malaybalay, Bukidnon; at Efren Tacomto, 46 anyos, ng Mabalacat, Pampanga, pawang mga konektado sa Wendel Criminal Group na sangkot sa pamamahagi ng mga pekeng sigarilyo sa Gitnang Luzon.

Sinalakay din ng mga operatiba sa follow-up operation ang ikalawang bodega ng mga sindikato sa Global Aseana Park 1, sa bayan ng San Simon, sa nabanggit na lalawigan, kung saan nakompiska ang 147 pirasong invalid BIR stamps (green); 1,470,000 invalid BIR stamps (light blue); 12 cigarette packer machine; dalawang cigarette maker machine; 10 kahon Back Film at Label; 100 rolls cigarette paper; 35 rolls tipping paper; 46 rolls cigarette foil; 48,000 pirasong cigarette filter; apat na kahon cigarette paper; 36 kahon soft label (jackpot); bultong mga brand ng sigarilyo; at mga materyales sa paggawa ng sigarilyo na tinatayang P1,000,000,000 ang halaga.

“The Philippine National Police-Police Regional Office 3 along with other government agencies are intensifying its monitoring to prevent the entry and proliferation of contrabands in the region,” pahayag ni P/BGen. De Leon.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *