Thursday , June 4 2026
PADAYON logo ni Teddy Brul

“Minahal kita” – Si Kristo sa panig ng Anakpawis (Dilexi Te – Book of Revelation 3:9)

PADAYON
ni Teddy Brul

SA PAGLULUNSAD ng Labor Consultative Assembly na inisyatiba ni Bishop Gerardo “Gerry” Alminaza, Pangulo ng Caritas Philippines, binigyang-diin ang isang matigas na katotohanan: labor is not just economic issue — ito ang araw-araw na arena kung saan iginagalang o nilalapastangan ang human dignity.

Sa mensahe ng Dilexi Te (Book of Revelation 3:9) — “I have loved you” o “Minahal Kita” — malinaw ang panig ni Kristo: hindi siya neutral. Siya ay nasa panig ng dukha, ng kontraktuwal, ng mababang sahod, ng babaeng manggagawang doble ang ‘pasan sa balikat’.

Ang “preferential option for the poor” ay hindi charity lang — political at moral stand ito laban sa exploitation.

Hindi dapat ituring ang mahihirap bilang recipients lang ng tulong. They are part of the struggle. Sa pabrika, sa piketlayn, at sa komunidad ng maralita, naroon si Kristo. Ang sistemang inuuna ang profit kaysa sahod at buhay ay kasalanan laban sa Diyos at sa tao.

Ang kontraktuwalisasyon, sahod na hindi makatao, at pagyurak sa karapatang mag-unyon ay modernong anyo ng pagpapako kay Kristo sa krus.

Kung tunay mong mahal si Kristo, ipaglaban mo ang manggagawa: makataong sahod, seguridad sa trabaho, at dignidad sa paggawa. Ang Simbahan ay hindi dapat bystander — dapat kasama sa laban ng uring anakpawis.

Sa bawat manggagawang inaapi, sinasabi ni Kristo: “Minahal Kita.”

At sa bawat Kristiyanong nananahimik sa harap ng inhustisya, tanong niya: “Kanino ka papanig?”

Padayon kauring Anakpawis, nawa’y manatiling gabay ang wagas na pag-ibig ni Hesukristo sa ating paninindigan laban sa pang-aapi at sa pagtatanggol sa dangal ng paggawa. ✊❤️🙏

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …