Wednesday , October 20 2021

Nanutok ng pellet gun sa traffic enforcer (Bus driver kulong)

KALABOSO ang isang tsuper ng bus matapos tutukan ng dalang pellet gun ang isang traffic enforcer na sumita sa kanya dahil sa pagmamaneho ng tricycle na walang prankisa sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon city police chief P/Col. Albert Barot ang suspek na si Roger Trabajales, ng Tolentino St., Tagaytay City, Cavite na nahaharap sa kasong Grave Threat in relation to RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal II at P/SSgt. Jeric Tindugan, nagmamando ng trapiko sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Brgy. Tenajeros si Ramir Maclang, 40 anyos, isang  traffic enforcer ng Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) ng Malabon nang mamataan niya ang minamanehong tricycle ni Trabajales na walang nakalagay na sticker, pagpapatibay na walang prankisa mula sa lokal na pamahalaan.

Sinita ni Maclang si Trabajales, ngunit nang buksan ang dalang sling bag, kinuha ang dalang baril sabay tutok sa traffic enforcer na nahintakutan sa pag-aakalang tunay na baril ang pellet gun ng suspek.

Dito sinamantala ni Trabajales ang pagkakataon at mabilis na pinaharurot patakas ang minamanehong tricycle habang palihim siyang sinundan ni Maclang sakay ng kanyang motorsiklo.

Pagsapit sa kanto ng Gov. Pascual Avenue at Valdez St., Brgy. Catmon, nakahingi ng tulong si Maclang sa nagpapatrolyang tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakuha kay Taabajales ang isang pellet gun na may magazine.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek sa piskalya ng Malabon. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

101821 Hataw Frontpage

Exclusive: Pinay sa Kuwait patay sa ‘sadiki’ bday girl nag-suicide (Nalason sa selebrasyon)

HATAW News Team ISANG 26-anyos overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang na-comatose hanggang tuluyang …

Smart, BTS

Pagbayad ng Smart-PLDT ng daang milyong piso sa foreign endorsers hinagupit ng kongresista

BINATIKOS ng isang partylist congressman ang top executives ng Smart-PLDT dahil sa pagkuha ng mga …

Quezon Province

Gob ‘sabit’ sa dinukot na ‘saksi’ sa heinous crime (‘Biktima’ gustong suhulan)

MULING mahaharap sa panibagong kasong kriminal si Quezon Province Gov. Danilo Suarez matapos ituro ng …

No Entry, mall, indoor dine-in, Covid-19

17-ANYOS PABABA BAWAL PA RIN SA MALL, DINE-IN RESTO

MANANATILING bawal sa mga mall at dine-in restaurants sa Metro Manila ang mga kabataang may …

Leave a Reply