Sunday , September 25 2022

Pagtatanim ng kawayan isinusulong (Sa rehabilitasyon ng Manila Bay)

UPANG mapalakas ang rehabilitasyon ng Manila Bay, isinusulong ng Kaga­waran ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Hermosa, sa lalawigan ng Bataan, ang pagtatanim ng mga punla ng kawa­yan sa kanilang nasasa­kupan.

Layunin na magtatag ng 1.7 ektarya para sa babusetum at bamboo nursery upang ang mga uri ng kawayan na magpapatatag sa mga pampang ng mga ilog at magpapalakas sa rehabi­litasyon ng Manila Bay.

Ayon kay Paquito Moreno, Executive Director ng DENR Central Luzon, nakatakda silang magtanim ng aabot sa 950 punla ng Giant Bamboo, Yellow Bamboo, Budda, Belly Bamboo, Kawayan Tinik, Kawayan Kiling, at Bayog species, lahat ay matitibay na materyales na magagamit upang mapigilan ang pagguho ng lupa, at pampatatag sa mga pampang na dinadaluyan ng mga ilog.

Pahayag ni Director Moreno, mayroon 14,000 ektaryang taniman ng mga kawayan ang kanilang naitatag sa buong rehiyon magmula noong 2011 sa ilalim ng National Greening Program (NGP).

Aniya, mayroong 62 uri ng kawayan sa Filipinas batay sa pag-aaral, at 21 rito ay itinuturing na endemika sa bansa.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

No. 1  most wanted rapist ng Nueva Ecija, nasakote

ARESTADO sa inilatag na Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad ang nakatalang Rank no. 1 …

Masungi Georeserve

Peace and order sa Masungi Georeserve, ibabalik — Gen. Nartatez

TINIYAK ni Police Regional Office 4A Regional Director, P/BGen. Jose Melencion Nartatez, Jr., na agad …

Leave a Reply