Saturday , April 19 2025

2 tulak todas sa serye ng anti- narcotics ops (Sa Nueva Ecija)

HALOS magkasabay na binawian ng buhay ang dalawang pinaniniwalaang talamak na tulak ng ilegal na droga sa magkahiwalay na anti-narcotics operation na ikinasa ng mga awtoridad nitong Biyernes, 25 Hunyo, sa bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PPO, kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon, nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng Talavera MPS sa Brgy. San Ricardo na nagresulta sa pagkamatay ng suspek na kinilalang si June Arimbuyutan, 42 anyos, ng Brgy. MS Garcia, lungsod ng Cabantauan, kabilang sa drugs watchlist, dati nang nahuli at naku­long noong Hulyo 2014 sa kasong paglabag sa RA 9165.

Narekober ng mga Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.00, isang kalibre .38 baril, mga basyo ng bala ng kalibre 9mm pistola, isang pulang Honda TMX na may side car, at marked money na ginamit sa operasyon.

Samantala, mag­ka­sama ang mga operatiba ng Talavera MPS at PPDEU/PIU-NEPPO na naglatag ng drug bust sa Brgy. Poblacion Sur laban sa suspek na kinilalang si Rodrigo Salazar, 27 anyos, may asawa, jeepney driver, ng Brgy. La Torre.

Pumalag ang suspek nang makatunog na pulis ang nakatransaksiyon, at nang makakuha ng buwelo ay pinaputukan ang mga awtoridad na agad gumanti ng mga putok na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nakuha sa pagproseso ng mga Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 15 gramo at nagkakahalaga ng P102,000, marked money, at isang itim na Rusi motorsiklo na ginamit ng suspek sa kanyang ilegal na modus.

“PRO3-PNP is continuously conducting proactive operations to invigorate its efforts to wipe out all forms of illegal drugs in order to achieve its quest for a drug free Central Luzon,” pahayag ni P/BGen. De Leon.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *