Saturday , October 1 2022

Saklolo ni VP Leni sa bakuna walang politika — Solon

HATAW News Team

WALANG nakikitang masama si Cagayan de Oro (CDO) Rep. Rufus Rodriguez kung humingi man ng assistance ang local governmemt units (LGUs) sa Visayas at Mindanao kay Vice President Leni Robredo para mapalawig sa rehiyon ang kanyang programang CoVid-19 Vaccine Express.

Sa panayam ng RMN network kay Rodriguez, ipinaliwanag niya na kapakanan ng mga residente ang prayoridad at hindi dapat pairalin ang politika.

Aminado si Rodriguez, mahusay na ideya ang express o drive thru vaccine initiatives ni Robredo kaya nagpa­saklolo siya sa Office of the Vice President (OVP) para mapabilis ang pagpapabakuna sa mga probinsiya.

Aniya, kung sa Maynila ay nasa 600,000 ang nabakunahan, sa Cagayan de Oro ay nasa 70,000 pa lamang habang mas mababa pa sa ilang probinsiya.

“Walang politika dito because cases in Cagayan de Oro is still very high, Davao City is still very high same with Zamboaga, Butuan City in Mindanao, Iloilo and Bacolod City in Visayas and Albay in Bicol,” paliwanag ni Rodriguez.

“I asked VP Leni pero walang politika dito,” giit ni Rodriguez.

Aniya, obligasyon ng LGUs na makakuha ng bakuna para sa kanilang constituents at nakita niya ang pagkakataon sa programa ni Robredo.

Taliwas sa pananaw ni Rodriguez, sa naunang naging pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte, minasama ng alkalde ang suhestiyon ni Robredo na gayahin ng Davao City ang CoVid-19 approach ng Cebu City.

Ani Robredo, mas malaki ang populasyon ng Quezon City ngunit nangunguna ang Davao City sa mga LGU na may mataas na naitatalang kaso ng CoVid kada araw.

“The Vice President should refrain from giving advice if she knows nothing about what is happening on the ground,” nauna nang pahayag ni Mayor Duterte, at sinundan ng kulang sa pang- unawa at kaalaman si Robredo at walang maitutulong para maresolba ang problema.

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Leave a Reply