Heart Evangelista

I-FLEX
ni Jun Nardo

MAGBABALIK muli sa telebisyon si Heart Evangelista para sa Season 2 ng kanyang Heart World.

Miss na miss kasi ng kanyang fans si Heart na talaga  namang umani ng papuri sa pagiging fashionista niya sa Paris Fashion Week.

Eh lagi namang updated sa kanyang social media ang fans ni Heart pero mas iba kasi ang dating ng fashion icon kapag nakikita siya sa telebisyon, huh!