Saturday , April 26 2025

1 HVT, 3 kasabwat nakorner sa ops (Sa Angeles City, Pampanga)

SWAK sa kulungan ang kinahinatnan ng isang hinihinalang tulak na kabilang sa listahan ng high value individuals (HVIs) at ng kanyang tatlong kasabwat makaraang makuhaan ng halos P374,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga operatiba ng Angeles City DEU at PS4 nitong Biyernes, 25 Hunyo, sa Brgy. Malabanias, lungsod ng Angeles City, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang mga suspek, ayon sa ulat ni P/Col. Rommel Batangan, na sina Amiladen Lucman, alyas Amil, high value individual (HVI), 36 anyos; Darwin Dalusung, 40 anyos, kapwa residente sa Brgy. Manibaug; Clarissa Tapnio, 30 anyos, ng Brgy. Calzadang Bayu, pawang sa lalawigan ng Porac; at Kalil Bayabao, 27 anyos, residente sa Brgy. Balibago, lungsod ng Angeles.

Nakompiska ng mga operatiba mula sa mga suspek ang 12 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 55 gramo at nagkakahalaga ng P374,000, at marked money na ipinain sa mga suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, may kaugnayan sa Section 26 at Section 11 ng Article ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nakakulong nang suspek.

“With the continuous arrest and neutralization of drug peddlers, the proliferation of illegal drugs and destruction of many lives are prevented,” pahayag ni P/BGen. De Leon. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *