Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Escorts ng VIPs bakit hindi pa inire-recall

KINOMPIRMA man ng pamunuan ng PNP Security and Protection Group (PSPG) na ini-recall na ang 800 policemen na bodyguards ng ilang public at private individuals, nagtataka pa rin ang inyong lingkod kung bakit sandamakmak pa rin ang foreign Casino players na mayroong kasa-kasamang bodyguard sa iba’t ibang casino sa bansa. Sabi ni PNP-PSPG spokesperson, Supt. Rogelio Simon, nagpadala na sila …

Read More »

Trash Record, pandarambong ni Erap ‘di dapat makalimutan

PAULIT-ULIT nating ipinapaalala sa publiko, lalo na sa mga botante na ang track record ng isang kandidato ang dapat maging batayan sa pagboto at hindi “trash record.” Pero dahil marami sa mga botante ngayo’y mga musmos pa nang mapatalsik sa Palasyo at mahatulang guilty sa kasong plunder o pandarambong si Joseph “Erap” Estrada, mahalaga na ipakilala natin siya sa kanila. …

Read More »

Anak ng Makati Police notoryus na trigger happy?!

KA JERRY, kami pong mga residente dito sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City ay nangingilag sa isang alyas Francis Niko na naninirahan sa bahay ng kanyang tiyahin sa Camino Dela Fe Extension. Trip po kasi alyas Francis, nagpapakilalang anak ng isang pulis-Makati, ang walang habas na pagpapaputok ng baril tuwing malalasing. Noong November 20, 2015, dakong 1:30 ng madaling araw. …

Read More »

Maitim na bigas ipinamudmod sa mga maralita sa Caloocan

MULING kinondena ng grupong Maralitang Tagalungsod ng Kalookan (MataKa) ang pagiging manhid ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na nagpamigay ng maitim na bigas nitong Kapaskuhan. Ayon kay MataKa Chairman Almer Cruz, nakalulungkot ang patakarang ‘walang pakialam’ ni Malapitan sa mga maralita na hikahos na sa buhay ay iinsultuhin pa sa ipinamudmod na bigas na hindi kinonsumo ng mga pinagbigyan …

Read More »

Ganti ni JPE

Ngayon pa lang, tiyak na masakit na ang ulo nina Pangulong Noynoy Aquino at Mar Roxas kung papaano nila sasalagin ang nakatakdang muling pagbubukas ng Mamasapano probe sa Enero 25. Sa pagsisimula pa lang ng imbestigasyon, tiyak na lulutang ang mga pagkukulang ni PNoy sa Mamasapano massacre na nagresulta sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force. Hindi rin …

Read More »

Paslit dinukot sa Laguna mall

DINUKOT ng hindi nakilalang babae ang 2-anyos paslit sa loob ng isang mall sa Sta. Rosa, Laguna kamakalawa. Ayon sa report ng pulisya, naglalaro ang bata sa amusement park ng mall habang ang ina ay nakaupo sa isang ‘di kalayuang bench ngunit hindi na niya nakita ang paslit. Batay sa CCTV footage, nakita ang biktima habang bitbit ng isang teenager …

Read More »

Traslacion ng Nazareno tumagal nang higit 20 oras

MAKARAAN ang mahigit 20 oras na prusisyon, naibalik na sa loob ng simbahan ng Quiapo ang imahen ng Itim na Nazareno. Dakong 2:02 a.m. kahapon nang pumasok ang andas ng Nazareno sa loob ng simbahan sa gitna ng hiyawan at pagwawagayway ng panyo ng libo-libong debotong matiyagang sumama at nag-abang sa prusisyon. Agad nagpasalamat si Msgr. Hernando Coronel, rector ng …

Read More »

Pinoys sa Saudi Arabia ligtas – Phil. Embassy

TINIYAK ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia na ligtas ang overseas Filipino workers (OFWs) sa harap ng umiiral na tensiyon sa pagitan ng Saudi at Iran. Ayon kay Philippine Ambassador to Riyadh Ezzedin Tago, nananatiling normal ang situwasyon sa Saudi at ligtas ang mga kababayang Filipino. Kahit sa katabing mga lugar ng Riyadh ay nagmo-monitor aniya ang embahada ngunit wala …

Read More »

P102-M Grand Lotto no winner pa rin

WALA pang nakakuha sa P102,982,312 jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto sa latest draw nito. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), lumabas ang number combination na 24-21-26-05-47-33. Dahil dito, inaasahang tataas pa ang pot money sa susunod na bola nito. Samantala, lumabas sa 6/42 Lotto ang number combination na 07-21-31-26-03-12.

Read More »

Kuya Germs ihihimlay sa Enero 14

ITINAKDA sa araw ng Huwebes, Enero 14, ang libing ng tinaguriang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno sa Loyola Memorial partk sa Marikina. Ito ang sinabi mismo ng kanyang pamangkin na si John Nite. Nabatid na patuloy ang pagbuhos nang pakikiramay mula sa malalapit na kaibigan sa showbiz, kamag-anak, kaibigan at mga fans sa burol ni Kuya Germs. …

Read More »