Thursday , December 18 2025

Blog Layout

Sa Marikina  
Hi-tech public schools target ni Cong. Marcy

Marikina

PLANO niMarikina 1st District Representative Marcelino “Marcy” Teodoro na magkaroon ng high technology na kagamitan ang lahat ng pampublikong paaralan upang masigurong nakasasabay sa digital world ang kabataang Marikenyo. Layunin ni Cong. Teodoro na gawing mas moderno, mas accessible, at mas inklusibo ang edukasyon para sa lahat na una na niyang nagagawa noong alkalde pa siya at sisiguraduhing maitutuloy ang …

Read More »

Mga gamot, wala nang VAT — Rep. Tiangco

Medicine Gamot

ISINUSULONG ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pagpapalawak ng value added tax (VAT) exemptions sa mga essential medicines, bilang patunay na ang mga patakarang buwis sa ilalim ng administrasyong Ferdinand Marcos, Jr., ay tunay na nagbibigay ng makabuluhang benepisyo sa mga Filipino. Ito ay kasunod ng anunisyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may karagdagang 19 gamot na isinama …

Read More »

Suntukan, barilan sa inuman
Negosyante kalaboso, sa bisitang nasugatan

gun police Malabon

BUMAGSAK sa kulungan ng isang negosyante matapos barilin ang kainuman dahil sa mainitang pagtatalo sa gitnan ng mga usapang lasing, kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Sa report mula sa Malabon Police, sinampahan ng kasong Attempted Homicide at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang suspek na si alyas Arnel, 53 anyos, residente sa Gabriel Compound, …

Read More »

Sa unang flag raising ceremony
Mayor Nancy Binay emosyonal, naluha habang nagtatalumpati sa mga opisyal at empleyado

Nancy Binay

HINDI napigilan ni Mayor Nancy Binay ang mapaluha habang siya ay nagsasalita sa unang araw at kauna-unahang pagdalo sa flag ceremony ng mga opisyal at empleyado ng lungsod ng Makati.  Ayon kay Binay ang 7 Hulyo ang isa sa pinaka-espesyal na araw para sa kanya dahil ito ang kanyang kauna-unahang pagdalo sa flag ceremony bilang punong lungsod ng Makati.  Kaya …

Read More »

Sa NBI official/agent na sangkot
Whistleblower Totoy hinamon ni Santiago pangalanan kung sino

Whistleblower Totoy Jaime Santiago

TINIYAK ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na hindi niya kokonsintihin ang kahit sinong opisyal o ahente ng ahensiya na sangkot o may kinalaman sa pagkamatay ng mga nawawalang sabungero.  Hinamon ni Santiago ang whistleblower na si alyas Totoy na kanyang pangalanan at ituro ang sinasabi niyang mga kasamang taga-NBI.  Binigyang-diin ni Santiago, hindi biro at itinuturing …

Read More »

“Whistleblower Totoy” nasa protective custody na ng PNP

Whistleblower Totoy

ISINAILALIM sa protective custody ng Philippine National Police (PNP) si Julie “Dondon” Patidongan alyas Totoy ang whistleblower sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Kinompirma ito kahapon ni PNP Chief, PGen. Nicolas Torre III. Kasalukuyan aniyang nag-a-apply sa Witness Protection Program (WPP) si “Totoy” para matiyak ang kanyang seguridad. “Pag siya ay nag-qualify (sa Witness Protection Program), itu-turnover namin siya sa …

Read More »

Baril na nakapatay sa pulis-QCPD pag-aari ng kaanak ng politico
Ibinenta pero ‘di naipangalan sa nakabili

Gun poinnt

SINAMPAHAN ng kasong kriminal ng Quezon City Police District (QCPD) ang may-ari ng baril na sinasabing kamag-anak ng isang politiko, na ginamit ng holdaper sa pagpatay sa isang pulis sa nangyaring enkuwentro sa Barangay Commonwealth, Quezon City. Sa report ng QCPD, ang 9mm pistol na ginamit sa krimen ay nakarehistro kay Hernando Dela Cruz Robes, residente ng City of San …

Read More »

Pabrika ng baril sumabog, 3 sugatan sa Marikina

Gun Dropped Fired

ISINUGOD sa ospital ang tatlong empleyado ng isang firearms and ammunition manufacturing company matapos ang insidente ng pagsabog sa loob ng pabrika sa Brgy. Fortune, lungsod ng Marikina, nitong Lunes ng hapon, 7 Hulyo. Ayon sa Marikina CPS, naganap ang pagsabog dakong 2:43 ng hapon. Nabatid na isa sa mga biktima ang naputulan ng dalawang kamay, isa ang napinsala ang …

Read More »

Freshman minaltrato, 4 PMA cadets inireklamo

Philippine Military Academy PMA

SINAMPAHAN ng kaso ng isang kadeteng freshman ang apat na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa pangmamaltrato sa loob ng institusyon, pagkokompirma ng isang opisyal nitong Lunes, 7 Hulyo. Ayon kay PMA spokesperson Lt. Jesse Saludo, ilang beses na pinagsusuntok, ipinahiya sa publiko, at isinailalim sa matinding pisikal na training ang biktimang lalaking fourth class cadet na naging …

Read More »

Sa manhunt ops sa Bulacan 2 MWP, 1 pa nasakote

Bulacan Police PNP

NADAKIP ang tatlong indibiduwal, kabilang ang dalawang nakatalang most wanted persons, sa magkakahiwalay na manhunt operations na ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan. Unang naaresto ng Hagonoy MPS sa pangunguna ni P/Lt. Col. Aldrin Thompson, sa Brgy. Iba, Hagonoy ang suspek na kinilalang si alyas Aldin, No. 1 Most Wanted sa municipal level sa bisa ng warrant of arrest …

Read More »